CHAPTER 25

36 13 0
                                    

Nang makababa at nakalublob na ay andoon lang ako sa gilid na'yon at niloloblob ang ulo para mabasa. Hindi ako marunong lumangoy, gusto kong mahiya na sa ganitong edad ay hindi parin ako marunong lumangoy. Muntik na kasi akong malunood noong bata ako. Nagpapaturo ako kay kuya Charles dahil magaling syang sumisisid. Ngunit dahil sa kakatalon ko ay napupunta ako sa malalim at do'n muntik ng malunod. Buti nalang hindi gaano malayo sakin si kuya at nasagip nya'ko. Pero may nainom parin akong tubig alat sa dagat. 

Hindi nagtagal nakita kong naglalakad si Nathan para ihanda ang pagtalon sa pool, nakahubad ang kanyang pang itaas na damit at short lang ang soot. 

"Ano ba, hindi ka nagdadahan dahan" angil ko nang nagsitalsikan ang tubig at lumangoy sa palapit sakin. 

"Bakit andyan ka sa gilid, tara do'n tayo sa malalim" anyaya nya pero agad ko iyong inilingan. 

"Ayoko, baka malunod ako do'n, Dito nalang ako sa kaya ko" 

"Hindi ka marunong lumangoy?"

"Eh, ano naman sayo kung hindi ako marunong lumangoy! ha?" 

Nagpipigil itong ngumiti para tumawa, at ganon nalang ang inis ko ng tumawa nga sya. Nakakainis! 

"Sorry, hindi lang kasi ako makapaniwala" pigil parin sa pagtawa. 

"Tss" ngisi ko at umirap, mas lalo kong isiniksik ang sarili sa gilid ng pool. Pero sya ay lumalapit parin. 

"Ano ba!" palo sa braso nya. "bakit mo ba ako sinusundan. Lumangoy ka kung gusto mo"

"Tuturuan kitang lumangoy"

"Ayoko"

"Sige na, akong bahala sayo"

"Sinabing ayoko eh!" inis ko na talaga. 

"Trust me" malambing nyang pang sabi. Agad nyang hinawakan ang magkabila kong bewang para palakarin ako. 

Agad ko iyong pinalo "Ano ba, sinabing ayoko, A.YO.KO  Di mo naiintindihan o kailangan ko pang itranslate sa english?"

Nagkawala sya ng buntong hininga at inalis ang kamay sa bewan ko. "Kung ayaw mong turuan kita, dito nalang din ako"

Gulat naman ako sa sinabi nya. "Ano??" wala sa sarili kong sigaw. Naloloko naba sya? "You can swim without me, Nath!"

"Alam ko, pero gusto kitang makasama" 

"I don't know how to swim" giit ko na para bang hindi nya naintindihan ang sinabi ko nung una. 

"Kaya nga tuturuan kita, diba" malambing nya paring boses na para bang ayaw niya makipag talo. 

Umiwas ako ng tingin at kumawala ng buntong hininga. "Ayoko nga, n-next time nalang" mahinahon kong sabi. 

Wala syang nagawa kundi ang magpabalik balik ng langoy papunta dulo at sa gawi ko. Ang galing nyang lumangoy, parang gusto ko tuloy magpaturo kaso nga lang ay natatakot ako baka malunod ako. May tiwala naman ako kay nath na hindi nya ako hayayang may mangyari pero kinakabahan ako, para bang bumabalik yung nangyari sa'kin noon. 

Habang hinihintay ay nagpasya nalang akong umupo sa gilid ng pool at hinayaang nakalublob ang mga paa. 

Maypa two piece pa akong soot di din naman ako lalangoy. Sa isip isip ako. 

Nang lumingon sa gawi ko si nath ay lumangoy naman sya papunta sa akin at umupo katabi ko. "Ayos ka lang" ayan na namang tanong nya. 

"Hmm" 

"Hindi kita pipilitin na turuan ka pero gusto kong i-enjoy mo yung pag swimming ngayon" sabi pa nya. "Pwede ko bang malaman kung bakit parang takot ka magpaturo sa paglangoy? ayos lang naman sakin kung hindi" mahaba nyang sabi. Tinitigan ko sya, ganon nalang kita ko na gusto nya iyon malaman. 

UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon