CHAPTER 4

138 30 10
                                    

CHAPTER 4

Ilang oras nalang ay may si-six na ng gabi. Meron kaming kita ni Nathan sa tambayan niya para panoorin ang paglubog na araw.

"Bakit pala gustong gusto mong panoorin yung papalubog na araw?" tanong ko nung nasa tapat na kami ng dagat.

"Ah.. bata palang ako gustong gusto ko na talagang pagmasdan ang sunset at ang buwan. Simpre galing akong Quezon City kaya hindi ko nasusubaybayan ang papalubog na araw kaya yung buwan nalang." kwento niya.

"Why??"

"Sometimes, The moon is all I have." tipid nyang sabi. "Pakiramdam ko sya yung nagiging saksi sa lahat ng pinagdadaraanan ko. Ito yung naging pahingahan ko sa panahong napapagod ako. Ito yung buwan na nagiging sandalan ko sa panahong nasasaktan ako." mahaba nyang sabi. Nakikinig naman ako.

"pero alam mo kung ano yung pinaka masakit na alam ko sa buwan?" lumingon muli ito sa akin bago tinuloy yung sasabihin. Yung mga mata nya puno ng sakit at lungkot. Para bang hindi ko kayang tignan siya.

"Ano?" kabado kong tanong.

"Alam kong kagaya ka ng buwan! aalis ka rin pagdating ng araw" mahina nyang sabi.

Mabagal kong tinignan si Nath sa gawi niya habang siya ay nakatingin parin sa buwan. Dahil nakalubog na ang araw. Para ba akong binuhusan na malamig na tubig sa bigla.

May pinagdadaanan kaya sya?

"N-Nathan"

May sinabi pa sya pero hindi ko na narinig dahil sa hina ng boses na iyon. Para bang binulong nya lang sa hangin ang iyon.

"Ikaw?" biglang lingon nya kaya nagulat ako.

"A-ahh!!.. hmm.. I don't like to look at those! but when I saw you watching it. I just saw the real beauty of the moon and sun" Pagbabago ko ng atmosphere sa pagitan namin.

Tumango naman sya sa sagot na para bang sang ayon sya roon.

Ang sarap ng himoy ng hangin dito sa dagat. Ang lamig at nakaka fresh sa isip. Para bang kaya mong mag-isip ng bagay na sobrang hirap mong buoin.

Naging tahimik kaming dalawa. Masayang pinagmamasdan ang nasa tapat..

"Saan ka pala sa Quezon City, Nathan?" kala gitnaan kong tanong.

"Secret. Bakit pupuntahan mo??"biro niya.

"Assuming! Just asking. You can say no kung hindi pwedeng malaman." pang mamataray ko.

Tumawa lang siya kaya inirapan ko. "Interesado ka pala sakin ah, taga--"

Itutuloy na nasan niya nang pigilan ko. "Nope! I'm not interested. Wag mo nang sabihin"

"Sus! Pwede naman basta ikaw."dagdag niya.

"Alam mo Nath! You're not funny!" iritado na talaga.

"Wow! Nice nickname" tumatawa parin.

Sa kalagitnaang kulitan ay may bigla akong naisip.

"Get to know each other?" I asked.

"Sige" sya

"What your favorite color?" Una kong tanong.

UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon