CHAPTER 9
"Gusto mo bang hilutin kita?" gulat kong tanong nya. Namasid ako nang dahil doon.
A-anoo? Hihilutin nya 'ko? gusto nyang hilutin ako??
"H-ha??" gulat ko paring tanong sa kanya.
"Ang sabi ko, hilutin kita" pang-uulit nya.
"B-bakit?" nagtataka paring tanong ko.
Malamang dahil sinabi mong pagod ka! Ano bang klaseng pag-iisip yan diday?
"Diba sabi mo ngayon mo lang naramdaman ang pagod? Baka matulong" pag uulit nya ulit.
Tumayo sya para pumuwesto sa likod para hilutin talaga ako. Napa atras naman ako at pumuwesto sa kung saan sya nakapwesto kanina para maiwasan ang gagawin nya.
"A-ano bang ginagawa mo, nath?" kabado ko paring tanong.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa ginagawa nya o kinikilig ako na nahihiya. Ayos lang naman siguro kung wala akong feelings sa kanya eh, baka payagan ko sya pero.. ito?? Ito na may nararamdaman ako?? Baka umasa lang ako at ma-missinterpret ko pa.
"Galit ka ba?" tanong nito habang naka noot ang noo. "Magagalit ka ba kung papawalain ko lang yung pagod mo??" Nakita ko yung lungkot ng mga mata nya. Nang hindi ako nagsalita ay umupo sya kung saan ako nakapwesto at tumabi sa'kin. Hindi na ito nakatingin sa akin dahil sa may dagat na ito nakatingin. habang ako ay sya parin ang tinitignan. "Sorry, hindi ko na dapat ginawa"
Nath..
"A-ano, hindi yun yung ibig kong sabihin" pang de-deny ko. "Hindi lang kasi ako sanay sa ganon. Sorry" I apologize.
Hindi nya ako sinagot doon at tumahimik ang paligid namin. Tanging naririnig lang namin ay ang sayaw ng mga dahon sa puno at kampas ng alon sa dagat.
I didn't mean to say that. And I was afraid to approach him!. Is he mad because I didn't agree?
Kapag bapumayag ako sasaya na sya??
Magsasalita na sana ako nang bigla syang tumayo at pinagpagan ang pang upo nya. Humarap sya sa akin at inabot ang kamay. "Tara na" pang aaya nya pa at tumingin sa relo na nakasoot sa kaliwa nyang kamay. "Mag aalas onse na ng gabi. Masyado nang late."
Galit nga talaga sya! Ayaw nya pa ba akong kasama? Ilang minuto palang yata kami dito eh.
pinapaauwi na nya ako..
pero ayoko pang umuwi...
kung kailan naman kasi papayag na ako saka naman sya mang-aaya..
parang may tumutusok tuloy dibdib ko..
Inabot ko ang kamay ko sa kanya at humarap "Ahmm.. yeah! I have to go! Good night" pag sang-ayon ko nalang..
Hindi ko na ubos ang kinakain kong cake dahil sa pagbabago ng atmosphere naming dalawa. Para bang nawalan ako ng gana at may something na hindi ko maintidihan sa loob loob ko.
Niligpit nya yung mga pinagkainan namin at tinupi ang tela na dala nya. Tinitignan ko lang sya habang ginagawa nya iyon. Alam kong dapat umalis na ako sa kinakatayuan ko pero heto ako ngayon hinihintay syang matapos.
Hindi ko tuloy alam kung papayag pa syang makita sakin bukas. Kung magkikita pa kami.
"hindi ka pa ba aalis?? Aalis na ako" gulat kong rinig sa boses nya na nakaharap na sa akin.
BINABASA MO ANG
UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)
Teen FictionHave you experienced to love but only for a short time? Naranasan mo na rin bang magmahal na sa inyong dalawa ikaw lang ang may nararamdaman?? What will you do?? Will you tell him that in a short time you have to learn to love him?? Will you say th...