Yakap yakap ako ni Nathan habang nakahiga. Ipinatong nya ang ulo ko sa kamay kung saan banda ang muscle nya para gawin iyong unan, sabay ay hinahaplos haplos ang buhok.
Pinatigil nya na rin ako sa pag-iyak, alam kong gusto nya kong tanungin kung anong nangyari ngunit ganon nalang ang respeto nya para sa privacy ko.
Gusto ko naman talagang sabihin yung nangyari para kahit papano ay mabawasan bigat at sakit na dinadala ko, pero hindi pa'ko handa. Hindi ako handa na ipaalam sa iba ang sakit ko. Para saan pa na itinago ko 'yon ng mahabang taon kung dahil lang dito ay magbubunyag 'yon. Ayos naman ako eh, okay lang sakin na kami lang ni Zairah ang nakakaalam para walang mag-alala sakin, dahil alam ko na malalaman nila iyo pero hindi pa ngayon.
Ayoko yung sa akin ang atensyon nila, Para san pa? Kung sa ganun din naman ay mas lalo akong masasaktan dahil hindi na nila nagagawa ang dapat nilang gawin nang dahil lang sakin.
Alam ko namang nag aalala lang sila, pero kaya ko naman, ayos lang ako.. magiging okay din ako..
"Alam mo ba, sa tuwing nasasaktan ako. Pumupunta ako sa malayong lugar kung saan ko pwedeng isigaw lahat ng sakit ng nararamdaman ko" hindi ko inaasahang magku-kwento sya.
Tuloy nya parin hinahagod ang buhok gamit ang daliri nya. Ang isa naman nitong kamay ay nakayakap sa bewang ko, ganun din ako, iniyakap ko ang kamay ko sa bewang nya at isiniksik ang ulo sa may dibdib nya.
Nakikinig lang ako sa kaya "Gusto mo bang pumunta tayo don? At doon mo isigaw lahat ng sakit na nararamdaman mo? Magpaalam ka sa inyo mananatili tayo don ng dalawang araw"
Doon ako napabaling sa kanya ng tingin, tipid lang itong ngumiti habang pinagmamasdan ang reaksyon ko sa mga sinabi nya "Meron bang bundok dito?" Ayon agad ang unang pumasok sa isip ko.
"Meron"
"Research ulit?" tawa ko na biglang naalala kung paano nya nalaman ang lugar na pinutahan namin dito dahil nag research sya.
Tumawa sya at tumango "Oo, bago ako pumunta dito nag search ako kung san pwede mamasyal. Nung nakilala kita hindi ko na inisip na gumala pa sa iba" para ba akong kinilig dahil do'n.
"So? Kasalanan ko pa pala kung bakit hindi ka naka gala kung ganon?" ngumuso ako sa kanya pero sa loob loob ay labis na tuwa ang meron ako.
"Hindi" ngumisi sya at natawa "Kasi nung plinano kong puntahan yon mag isa ako, ngayon gusto ko kasama kana" hindi ko alam pero para bang umalon ang dibdib ko sa sinabi nya. Gusto ko maluha dahil higit pala sa inaasahan ko ang sasabihin nya.
"Saan ba 'yon?" curious ko.
"Sa Mt. Maculot cuenca, batangas" hindi ako pamilyar do'n pero gusto kong puntahan. Basta sya kasama ko, ayos lang kahit saan dahil alam kong ligtas ako pagkasama ko sya. Hindi ko naiisip yung sakit ko kapag nasa paligid ko sya.
Sana ganito nalang kami araw-araw.
"Magpaalam ka sa lola at mommy mo"
"Sige" sang ayon ko. "Thankyou ah, kasi andyan ka para sakin"
"Andito ako lagi sayo. Malayo man o hindi laging mong isipin na meron kang ako, kakampi mo."
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya dahil sa sinabi nyang iyon, hindi ko ramdam na mag isa ako. There is someone there for me.
"Matulog kana, mamayang 4pm tayo aalis. Gagala muna tayo kung saan pwedeng puntahan na magaganda, pagkasapit ng umaga do'n tayo pupunta sa Mt. Maculot"
Hindi ko na sya sinagot at nakangiting natulog sa mga bisig nya. Mas lalo nyang idiniin ang sarili nya sakin at natulog ng mahimbig.
This is my first time to sleep with a man. I trust Nath that he won't do something wrong. I don't know, I just feel it. Alam kong ilang linggo palang kami magkakilala at labis na yung close namin sa isa't-isa to the point we trust each other, or maybe ako lang may tiwala sa kanya? Ayon ang sabi nya eh, I have to trust him.

BINABASA MO ANG
UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)
Teen FictionHave you experienced to love but only for a short time? Naranasan mo na rin bang magmahal na sa inyong dalawa ikaw lang ang may nararamdaman?? What will you do?? Will you tell him that in a short time you have to learn to love him?? Will you say th...