Nakarinig ako sa alarm clock nang maging 4:30 am. Gusto ko pang matulog dahil sa sobrang antok pero naalala ko na may usapan kami ni Nath. Kaya bumangon ako at bumaba para mag almusal. Gising si ate dorres nang nakaababa ako kaya nagtanong sya bakit ang aga ko magising. Sinabi ko naman sa kanya na mag jojogging ako kaya tumangon lang siya at pinagluto ako.
Nang matapos kong mag almusal ay umakyat na ulit ako para ayusin ang gagamitin kong pang jogging. Kinuha ko sa damitan ang sport bra ko at crop top na jacket dahil malamig. Hinanap ko rin ang leggin pans ko at inasikaso ang susuotin kong sapatos. Mahilig ako sa sapatos.
Sa mga gantong bagay ay magkasundo kami ni kuya Charles. Sinusuportahan niya ako sa mga gusto ko. Minsan pa nga ay sya ang bumibili non para sa'kin.
Nangongolekta ako ng sapatos, sumbrero at simpre mga libro.
Nagdala ako ng pera para pambili ng tubig at makakain kung sakaling magutom kami. Kinuha ko rin ang relo ko at inilagay sa kaliwang kamay. 4:59am na nang nakita ko. Kaya nagmadali na akong para pumunta sa tamabayan namin.
Pakarating ako ay andoon na siya naghihintay. Hindi ko alam kung kanina paba siya doon o kakarating lang din. Nakasuot siya ng jacket na makapal kulay black at jogger pants na black din. Ang gwapo niya sa suot niya iyon. kaya napangiti ako. Hindi ko na rin iyon initindi dahil nang aya na siya.
Hindi ko alam lugar na 'to. Pero parang si Nathan alam ang bawat sikot o parte ng Batangas. Sinundan ko lang siya at tinuon ang antensyon sa pag takbo. Maganda ang lugar dito. Hindi ko alam kung anong pangalan. Pero katulad namin meron din nag jojogging. Yung ibang babae na grupo meron din solo na naka earphone. Meron ding lalaki na dalawa lang sila meron ding solo. may matanda meron ding mga kasing edad namin. Meron din mga nag bibike. Meron ding mga nag zuzumba. Halo halo. At nakakatuwa silang tignan.
Nakaramdam ako ngalay sa paa ko kaya tumigil muna at bumili ng tubig. Ilang minuto na kaming tumatakbo. Tumigil din siya sa tapat ko at habol hiniga katulad ko.
“Ayos ka lang?” hingal nyang tanong.
Tumango ako at kinuha ang dalawang tubig para samin ni nath. Nagpasalamat siya doon.
“Saglit lang.! Nangangalay paa ko. nabigla siguro” sabi ko nang ready na ulit siya tumakbo.
“Upo ka muna dito sa bato” utos niya kaya sumunod ako.
Umupo siya sa tapat ko at kinuha ang isa kong paa para hilutin ang likod kung saan nangangalay.
Masaya ako sa ginawa niya. Simple at nakaka-enjoy. Nakatingin lang ako sa kanya habang sya nakatuon sa hinihilot. Nakikita ko ang naglalaglagan nyang pawis na namuo sa buhok niya. Kaya pinunasan niya iyon nang nakita niyang tumulo sa paa ko.
Gwapo si Nathan, pointed nose and perfect jaw, kissable lips dahil parang babae dahil mapula iyon. Tumingin ako sa mga mata nya. Makakapal ang kilay at pilikmata itim na itim ito. Yung mga mata nya brown bumagay sa knya. Kung tutuusin ang perfect nya. Ghad!! Yung mga pawis nya banda sa tenga nakaka hot sa kanya! Siguro kahit lagyan ko sya ng putik ang gwapo nya parin..
Bakit ngayon ko lang napansin yun??
Agad syang tumingin sa akin na nakakunot ang noo. Nagulat ako sa ginawa nya dahil parang binabasa nya yung nasa isip ko. Bakit ganito ba ako mag isip!! Nanlaki yung mata ko na may sumanggi sa isipina ko!..wala akong dalang panyo!!
Kanina pa ako pinagpapawisan at kamay ko lang ginawa kong pamunas. Naka sumbrero ako kaya sa tingin kong hindi niya iyon napansin. Pero hindi parin kasi kita niya sa leeg ko ang pawis.
BINABASA MO ANG
UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)
Teen FictionHave you experienced to love but only for a short time? Naranasan mo na rin bang magmahal na sa inyong dalawa ikaw lang ang may nararamdaman?? What will you do?? Will you tell him that in a short time you have to learn to love him?? Will you say th...