Bago ako umalis ng bahay ay nag search muna ako online kung saan hahanap ng designer for events. Hindi naman ako nahirapan dahil tinulungan akong maghanap ni lola.
Meron syang mga amiga na ganon ang business kaya hindi na ako humanap pa sa iba.
Naghanap muna ako kung paano ang design.. Magaganda iyon, elegante ang aliwalas tignan dahil sa linis. Hindi Ito dark kung tignan at pagmasdam. Kasama na roon ang mag kukuha ng litrato pati video para sa kaarawan ng debut.
Hindi na ako nagtagal kay lola ay agad nang umalis para puntahan si nathan sa tambayan. Hindi nga ako nag kakamali ay andoon na sya. Lagi nalang ito nauuna sa'kin.
Iisipin kong excited 'to! Lol
"Lagi ka nalang nauuna sakin" nakanguso kong sabi.
Tumawa lang ito at hinawakan ako buhok ko. "Mababagal lang talaga kayong mga babae" pagkokontra nya..
Mas lalo akong ngumuso sa sagot nya. "Tara na, pangit mo kapag nakanguso ka" dagdag nya pa.
Wow, parang gwapo nya!..
Gwapo naman talaga, Hays!.
Hindi ko na sya pinansin at sumunod na ako sa kanya. Magkatabi kami habang nag lalakad papunta sa tricycle-an. Naka white ito na damit na may tatak na gucci at pantalon naman sa ibaba.
Ewan ko, pero bakit ang gwapo nya kapag nakaputi syang damit. Yung kaputian nya sumasabay sa kulay ng damit. Nag-glow yung kagwapuhan.
Matangkad ito sa akin. Hanggang balikat lang nya ako. Hindi ko masasabing pandak ako dahil sadyang matangkad lang talaga sya. At isa pa kapag lalaki talaga mabilis lumaki.
Hindi ko namalayan sa paglalakad ay nasa tapat na kami ng tricycle. Kinakausap na nya si manong.
"Pasok kana" utos nito at pumasok ako.
Hindi na ako magtataka kung doon ulit sya sa labas katabi ni manong.
Pero, nagulat nalang ako na papasok din sya sa loob kung saan ako nakaupo.
Anong ginagawa nya dito?
Akala ko ba sa labas sya??
Isiniksik ko yung sarili ko sa gilid dahil tumabi sya sa akin.
Oo tumabi sya.. As in close.. Walang space..
Bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang balat nya sa balat ko.
Para ba akong kinuryente at kulang nalang mag halumpasay sa tabi.
Pigil hininga ako ginawa ko at hindi lumilingon pa sa kanya.
"Ayos ka lang ba dyan?" Gulat kong nangibabaw yung boses nya.
Lalaking lalaki talaga yung boses nya. Ang sarap laging pakinggan. Lalo na kapag tumatawa.
Nataranta ako kaya napaayos ng upo. "Ahmm.. Yeah.. I-im okay here! Hehehe".
Lumingon ito sa gawi ko para tignan ang pagkaupo ko. "Gusto mo bang sa labas na lang ako? Nasisikipan ka ba??" Pagtatanong nya ulit.
BINABASA MO ANG
UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)
Teen FictionHave you experienced to love but only for a short time? Naranasan mo na rin bang magmahal na sa inyong dalawa ikaw lang ang may nararamdaman?? What will you do?? Will you tell him that in a short time you have to learn to love him?? Will you say th...