Kabanata 6 (The right to enjoy)

18 3 0
                                        


Nayeli

She stretched her arms and legs kanina pa kasi siya nakatayo. She couldn't even sit down dahil sa dami ng customers. Minasahe niya ang sumasakit na binti. Inalis niya rin pansamantala ang heels na suot.

"Ang dami ng customers natin ngayon noh?" Piper said as she put the things away.

"Sinabi mo pa. Paano na lang kaya kami ni Barbie kung aalis ka na?"

"Pasensya na kayo gusto ko naman magstay pero alam niyo naman isang dekada na rin ako rito sa Milan. Ni minsan hindi pa ako umuuwi."

"Mamimiss ka namin dito. Wala ng magpapatawa sa amin dito."

"Of course, I'll be missing you guys. It's just that I can't take it anymore that I'll just do work for the next years. Gosh! Ayaw kong tumanda rito sa Milan na nagtatrabaho parin. Balik pinas ako para makapagrelax naman. Then who knows, baka doon ko na makita ang mapapangasawa ko."

"Sawa ka na ba sa mga italyano rito?" biro niya.

"Yes, gusto ko naman iyong purong pinoy."

"Mukhang desidido ka na talaga."

"Oo pero matagal pa naman iyon. I will still finish my contract here."

She's right, she also wants to live in the Philippines even though it is very ideal to live in Italy. When you are a Filipino, Philippines is always a home.

Pumasok si Barbie na medyo magulo ang buhok.

"Mahangin ba sa labas?" biro rito ni Piper.

"Ang dami ng customers, hindi ako magkadaundagaga sa labas. Tapos may mga dumadating pa."

They had fifteen minutes break after that sabak na naman sila sa labas.

"Ikaw ba Barbie, uuwi ka rin ng Pinas?" tanong niya rito.

"Hindi na muna wala pa akong naiipon. At isa pa kapag umuwi ako baka wala rin kaming makain alam niyo naman breadwinner ako."

"Pareho lang pala tayo" aniya.

"Magpasustento ka na lang sa boyfriend mo Ayeng tutal nursing naman iyon after makapasa ng board madali lang iyon makahanap ng trabaho. At isa pa malaki-laki na rin ang nagastos mo sa kanya" ani Piper.

"Ano ka ba nakakahiya, hindi pa naman kami kasal at hindi niya naman obligasyon ang pamilya ko."

"Magpapakasal din naman kayo eventually ganoon din 'yon."

Hindi naman niya isinusumbat kay Banjo ang lahat ng nagastos niya rito. Mahal niya ito at gusto niyang suportahan ito sa pangarap nito.

Pagdating sa apartment nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid na si Julius Vin. He is in first year college now. Parang kailan lang nasa highschool pa ito nang umalis siya.

"Kumusta ka na dyan sa Milan, ate?"

"Well as usual, pagod. Kakarating ko lang galing trabaho and it's twelve midnight here."

"Kumain ka na ba?"

"Yup."

"Miss ka na namin ni Dami rito. Hindi ka ba magbabakasyon ngayong pasko at bagong taon sa atin?"

"It's not that easy. Tuwing holiday usually punuan talaga ang mga bar dito sayang naman ang kita kung uuwi pa ako dyan. Instead of buying a ticket mas gugustuhin ko pang magpadala na lang dyan ng pera. May maihanda pa kayo sa nochebuena."

And besides it's too early to go home. Her savings in her bank account are still too small. Especially now na nagpapadala rin siya ng pera para kay Banjo. Kapos na kapos siya. Plano niya rin kasi kapag umuwi siya makapagpatayo siya ng negosyo para hindi niya na kailangan pang magtrabaho.

"Bakit na naman mukhang problemado 'yang mukha mo, si Banjo na naman ba? Nanghingi na naman ba siya ng pera?" tanong ni Barbie.

She didn't realize that she had been standing at the door for a while.

"I just thought that I need to save more so that I could start a business when I return to the Philippines."

"Grabe ka. Bilib ako sayo dahil sa kasipagan mo pero huwag mo naman masyadong pagurin ang sarili mo. Sometimes you need to go with me and Piper when we go out on day-offs" dagdag pa nito.

"I don't think na mag-i-enjoy ako, alam mo naman na may dalawa pa akong kapatid na pinapag-aral."

"Alam ko, but it's also crazy when you always think about how much money you're going to send to your family. We also have the rights to enjoy."

May punto rin naman ito mula kasi ng dumating siya ng Milan, puro trabaho at bahay na lang ang routine niya. Wala rin naman pwedeng sisihin kundi siya, because she never bothered to correct her routines.

"So sama ka sa susunod na gala namin ni Piper? There are many picture perfect places here na nalalakad lang unlike sa Pilipinas pahirapan ang pagsakay ng jeep at tricycle dahil ang mahal."

"Lalo na sa gabi mas nagmamahal" she added, nararanasan niya iyon lagi dati kapag umuuwi sa gabi. Nakikipagtawaran pa siya minsan sa mga driver.

"Exactly! Mahirap na nga tayo mas lalo pa tayo magiging mahirap."

Well, that's why she chose to go abroad because of the difficult life in the Philippines. Naging desk clerk din siya noon pero hindi sapat ang sahod niya para sa pamilya. Kahit anong sipag mo ganoon parin pero sa ibang bansa mas ganado kang magtrabaho dahil mas malaki ang perang nakukuha mo.

✩✩✩

Tulad ng napag-usapan nila, sumama nga siya sa gala ng mga ito. Una nilang pinuntahan ay ang Castello Sforzesco.

Sunod naman nilang pinuntahan ay ang Quadrilatero della Moda, this is Milan's high fashion shopping district. Like mga gawa sa prada, armani, valentino. Pero syempre sa labas lang sila sa mga shop pasilip silip dahil hindi naman sila makapasok since hindi sila bibili. Ganoon kasi iyon doon.

Their last stop is the Langosteria Restaurant. Nagsiserve ito ng mga seafood. Syempre sinubukan nila ang pinakasikat na man course dito ang Catalan style king crab.

"Grabe naexcite pa naman ako, kakapiranggot lang pala ang laman ng plato" ani Barbie.

"Sinabi mo pa pero napakasarap naman talaga niya. Iyon nga lang nakakabitin din" aniya.

"Ganyan talaga basta sa lahat ng restaurant. Napakakonti ang servings pero ang presyo pamatay naman" komento ni Piper.

Bago sila bumalik ng apartment ay tumambay muna sila sa plaza. Nilibre rin sila ni Piper ng icecream. Nag-enjoy naman siya nakakapagod nga lang. Hindi niya nga siguro talaga forte ang pamamasyal.

Can't Marry You Yet (The Edited & Continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon