Zayd
Paggising niya nakahanda na ang breakfast niya kaya lang hindi parin siya kinakausap ni Nayeli.
"Look what happened last night, I'm sorry."
Tiningnan lang siya ng dalaga saka ito sumubo ng pagkain.
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin? Magmumukha na lang ba talaga ako ritong tanga?"
"Nakakainis ka kasi."
Hay salamat nagsalita rin...
"Nagsorry na nga ako 'di ba."
"Hindi ko gusto na hindi ka kausapin masakit lang talaga sa part ko ang nangyari."
"I know. Sorry kung hindi man lang kita naipagtanggol kay Kendra."
"Totoo naman kasi ang lahat ng sinabi niya. Hindi naman talaga ako ang ina kaya wala akong karapatan sa bata."
"Hayaan mo kakausapin ko siya."
"Huwag na baka ako na naman ang lumabas na kontrabida. Kumain na lang tayo ayaw kung simulan ang araw ko na may sama ng loob."
Ngumiti siya at ginagap ang kamay nito.
"I don't even say thank you last night."
"Thank you saan?"
"For making Selena happy."
"Maliit na bagay. Alam mo naman na gusto ko lang na alam mong sinusuportahan kita pagdating sa anak mo."
"And I can't thank you enough for that. I'm matutuwa si Selena dahil may magiging step mom siya na kasingganda at kasingbait mo."
"Step mom ka dyan hindi pa nga tayo naikakasal."
"Eh 'di magpapakasal. Kailan mo gusto mamaya o bukas? I can arrange everything, magsabi ka lang."
"Hindi naman ganoon 'yon kadali Zayd."
"I know. Ayaw mo parin ba magpakasal sa akin?"
"Hindi naman sa ayaw. Darating naman tayo dyan, hindi lang muna ngayon. But it doesn't mean I don't love you. I love you that's why I'm doing this."
"I don't get it."
"Ayaw ko lang na maghiwalay tayo."
"Kaya nga magpapakasal tayo para hindi na tayo maghihiwalay pa."
"No, you don't understand Zayd. Sometimes wedding leads to separation. Hindi ba napag-usapan na natin ito. Ayaw kong magtalo at magkasamaan na naman tayo ng loob tungkol dito."
"I'm sorry. Okay, kung ayaw mo pa talaga, sige pipilitin kong intindihin ka."
"Salamat Zayd. I love you."
"I love you more."
"Teka hindi pa pala ako kumuha ng tubig na maiinom natin, sandali lang."
"Ako na."
"Huwag na, ubusin mo na lang 'yang pagkain mo dahil papasok ka pa sa trabaho."
Ilang saglit nang magpunta ng kusina si Nayeli ay nakarinig na lang siya na may nabasag. Dali-dali siyang napatakbo.
"Ayos ka lang?" tanong niya kay Nayeli.
"Oo medyo nahilo lang ako kaya nabitawan ko ang pitsel."
"Dumadalas yata ang pagkahilo mo? Ang mabuti pa magpacheck up na kaya tayo."
"Baka kulang lang ako sa tulog maaga kasi akong nagising kanina."
"Huwag ka nag makulit Nayeli it's better to be sure and safe. Bago ako pumasok ng trabaho dadaan na muna tayo sa ospital."
"Huwag na malilate ka pa. Magpapasama na lang ako kay Ace mamaya."
"Hindi na, ako ang sasama sayo. Work can wait."
"Ikaw ang bahala."
Sinamahan niya nga ito sa ospital. Sakto naman na pinay ang doktor na umasikaso sa kanila.
"Bakit po panay ang hilo ko this days doktora? May mali ho ba sa akin?" tanong ni Nayeli. Napahigpit pa nga ang hawak nito sa kamay niya means she's nervous of what the doctor would say.
"Of course not. Everything is normal Ms. Andrade ganyan talaga kapag buntis."
Ha? Nakaawang ang mga bibig nila pareho. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Are you sure, doc?" tanong niya dahil halatang hindi na makapagsalita si Nayeli sa nalaman.
"Yes, I'm very sure. Actually, she's two weeks pregnant."
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman, natutuwa siya na tila kinakabahan.
Kinalabit siya ni Nayeli.
"Okay ka lang? Bakit namumutla ka dyan? Ako itong buntis Zayd hindi ikaw."
"Naexcite lang ako. Hindi ko akalain na magiging ama ulit ako."
Dahil sa magandang balita hindi na siya natuloy sa pagpasok sa trabaho. Sinamahan niya na lang pauwi si Nayeli dahil ayaw niya itong mahirapan lalo pa at buntis ito.
=================================
Nilapitan niya si Nayeli habang nagbabasa ito ng magazine.
"May gusto ka bang kainin?"
"Busog pa ako" she's busy changing the pages she can't even look at him.
"Okay, ahm hindi ka ba nauuhaw? Ipagtitimpla kita ng juice."
"Bakit ba ang aligaga mo ngayon? Chill."
"Sensya na pero dapat masanay ka na dahil gusto ko pareho kayong healthy ni baby."
"Okay."
"Nga pala ngayong buntis ka na mas makabubuti kung dito ka na lang sa bahay."
"Paano ang trabaho ko? At isa pa kaya ko pa naman Zayd, hindi pa naman gaanong malaki ang tiyan ko."
"Kahit na. Ayaw ko na napapagod ka, kayo ni baby. At kung inaaalala mo ang pagpapadala ng pera sa kapatid mo, I can shoulder that."
"Pero..."
"Huwag ng matigas ang ulo mo Nayeli. Nakita mo naman ang nangyari sayo kanina, paano kung nangyari 'yan sa trabaho mo? At least dito sa bahay alam kung safe ka. Alam mo naman ang nature sa bar, paano kung may lasing doon na nanakit sayo? Ayaw ko lang na may masamang mangyari sayo at sa anak natin."
"Okay, hindi na ako magtatrabaho."
"Nga pala kumuha na rin ako ng kasambahay at least kapag nasa trabaho ako eh may makakasama ka rito."
"Grabe naman, talagang nakapaghanda ka na ah."
"Mabuti na iyan kaysa pabayaan kita sa anong gusto mo. And one more thing bawas-bawasan mo ang pagkain ng chichirya, healthy foods na dapat ang kinakain mo like fruits, veggies."
"Okay po sir" she make a face.
"Hindi ako nakikipagbiruan, Nayeli."
"Wala naman akong sinasabi ito talaga."
"Nga pala nasabi mo na ba sa pamilya mo na buntis ka?"
"Hindi pa."
"Kailan mo balak sabihin?"
"Ewan ko. Mag-iipon lang ako ng lakas ng loob."
"Kung gusto mo ako ang haharap sa kanila, Nayeli."
"Ha? Hindi na. Ako na ang kakausap sa kanila."
"Hindi ka mag-iisa sa bagay na ito, tandaan mo 'yan."
"Salamat."
Gusto niyang iparamdam kay Nayeli na may karamay ito. Kilala niya si Nayeli hangga't kaya nito hindi ito hihingi ng tulong kanino at kung may dinadaramdam ito hindi agad ito magsasabi. Malalaman mo na lang dahil hindi ka na niya kinakausap o kinikibo iyong tipo na hindi ka nag-i-exist. Yes, she has that personality. And he loves all her flaws.
_________________________________________
A/N:
Hoy grabe na! Sana meron din akong Zayd that will love all my flaws. Acheche!🤪🤭
BINABASA MO ANG
Can't Marry You Yet (The Edited & Continuation)
RomanceA wedding isn't only the confirmation of marriage, what matter is love. Nayeli rejected his proposal. She started to make excuses. Will it be the reason for them to part ways or they will chose to stay? Main Characters: Zayd Kieron Marques Nayeli Yu...
