Kabanata 32 (See Him Again)

10 3 0
                                    


Nayeli

Nagpakain siya ng mga isda nang lapitan siya ni Ace, he is her childhood friend na nakabase ngayon sa Italy. May sarili rin itong bahay doon. Kinapalan niya na ang mukha at doon muna nakitira.

"Okay ka lang?" untag nito.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Umiiyak ka habang nagpapakain ng isda tapos sasabihin mong okay ka lang. Wala ka na bang balak bumalik sa condo?"

"Ano pa ang babalikan ko doon? Tinapos ko na ang relasyon namin ni Zayd."

"Nang hindi man lang siya nakakausap. It's unfair for him, Ayeng. Lalake rin ako at nagkaroon ng relasyon. And base sa kwento mo you're honestly being unfair."

"Tsk. Huwag mo na nga akong sermonan. Wala ka parin talagang ipinagbago."

"Hahaha halika na, nakapagluto na ako kumain na tayo."

"Ace, okay lang ba talaga na nandito ako?"

"Bakit naman hindi? Matagal din tayo hindi nagkita noh. Ikaw naman kasi naging kayo lang ni Banjo nakalimutan mo na akong i-message oops! sorry hindi na nga pala kayo."

"Ayos lang. Pasensya ka na ah kung hindi ako nakapagmessage sayo. Masyado lang din akong abala sa trabaho."

"It's destined na siguro na magkita tayo sa mall para magkasama ulit."

"Hindi naman ba magseselos ang girlfriend mo kung nandito ako."

"I'm single, Ayeng."

"Ha? Weh 'di nga? Eh hindi ka nga nauubusan ng girlfriend noon. Imagine ako pa ang pinapasulat mo ng love letter para ibigay sa kanila, damuho ka."

"Hahaha maganda kasi ang penmanship mo. At isa pa nililibre naman kita noon ah."

"Oo na."

"Halika na, bago pa lumamig ang pagkain."

Sumunod siya rito. Big time na talaga ng kaibigan niya. May sarili itong bahay sa Milan at may negosyo rin ito na mga aquarium fishes like gold fish etc..

"Oo nga pala, ang sabi mo nagresign ka na sa dati mong trabaho?"

"Oo. Maghahanap na lang siguro ako ng iba."

"Then you can be my secretary?"

"Ha? Ginagawa mo ba ito dahil naaawa ka sa akin?"

"Ginagawa ko ito dahil magkaibigan tayo. Tatanggapin mo ba ang alok ko o hindi? Kasi kung ayaw mo eh ibibigay ko na lang sa iba."

"Nakakahiya man pero sige, kailangan ko rin ng pera eh."

"Good. After this I'll brief you everything regarding sa mga gagawin mo."

Tumango siya.

Wala ni sa mga kaibigan niya ang nakakaalam kung nasaan siya that way hindi malalaman ni Zayd ang kinaroroonan niya. Kahit nahihirapan siya maglihim ay pinili niyang gawin iyon. Sobrang sakit para sa kanya nang pinuntahan siya ni Kendra.

Martir na kung martir, ginawa niya lang ang alam niyang tama.

≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈

One year later...

Nagkaroon ng maraming branch ang negosyo ni Ace kaya ginawa na siya nitong branch manager. Nagulat siya nang bigyan siya ng cake ng kaibigan.

"Happy Birthday, Ayeng" bati nito.

Parang kailan lang, ang bilis naman ng panahon birthday niya na pala.

Can't Marry You Yet (The Edited & Continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon