Nayeli
Hindi niya maintindihan ang pinapanood bukod sa french wala pang english sub.
"Akala ko ba ayaw mong maging third wheel?" lingon sa kanya ni Barbie.
"Kaysa naman maging third wheel ako ng mag-ama."
"Nagseselos ka ba sa bata?"
"Hindi sa nagseselos, nanibago lang siguro ako nasanay kasi akong nasa akin ang atensyon ni Zayd."
"Bakit hindi mo siya kausapin?"
"Para ano para magmukhang kontrabida sa paningin nila, 'di bale na noh. Teka nga bakit niyo ba piniling panoorin ang isang ito eh wala naman tayong naiintindihan."
"Si Takoyama ang tanungin mo siya ang pumili niyan."
"Don't ask me, pumili lang din ako malay ko ba walang sub' to."
"Ang galing talaga nitong boyfriend mo Barbie. Dapat kasi iyon ng isa ang pinanood natin."
"Eh ang sabi niyo kanina ako ang pumili."
"Mali naman ang napili mo" ani Barbie.
"Ang labo ninyong dalawa."
Nagtawanan sila ni Barbie. Stress na stress na si Takoyama sa kanila.
So ayun natapos naman nila ang movie ng walang naiintindihan. Kumain na lang sila pagkatapos. Ang siste siya pa ang nanglibre sa dalawa.
"Akala ko pa naman ako ang malilibre hindi ako nainform na ako pala ang manglilibre."
"Pasensya na eh wala pa kasi kaming sahod. Ang balak namin ni Takoyama side street lang kumain."
"Ayos lang noh, at isa pa balak ko naman talaga kayong i-libre since ako naman itong nakaabala sa date ninyo."
"Hindi ka naman abala sa amin."
"Talaga? So dalasan na pala nating tatlo ang paglabas. Hahaha biro lang."
"Why not?"
"Hayaan niyo kapag naboryong ako sa bahay ay makikithirdwheel ako sa inyo."
"Anong third wheel ka dyan, ako nga itong nagmumukhang third wheel sa inyong dalawa" komento naman ni Takoyama.
Pagkatapos kumain ay nanood naman sila ng fireworks display sa plaza. And how she wish she was with Zayd this time. May plano kasi sila na manood ng fireworks together. Pero ayaw naman niyang istorbohin ito dahil kasama nito ang anak. She knows how much Zayd wanted a family and of course it excites him having his own child.
Kaya hindi niya kayang ipagkait rito ang pagiging ama kay Selena lalo pa at hindi niya ito mabigyan ng pamilya since ayaw niya nga magpakasal pa.
Sa sobrang nawili sa panonood hindi niya namalayan na nakailang miscalls na pala si Zayd sa kanya. Nang tumawag ulit ito ay nasagot na niya.
"I was worried, why are not picking up your phone?"
"Nasa bag eh, hindi ko narinig."
"Still."
"Bakit ba?"
"Where are you?"
"Nasa plaza."
"Sinong kasama mo?"
"I told you earlier na sina Barbie at Takoyama ang kasama ko."
"No one else?"
"Of course. Sa tingin mo may katagpo akong italyano rito? Sana nga para hindi ako third wheel dito."
"What?"
"Biro lang ito talaga."
"Send me your location, susunduin kita."
"Ano ako nasa grade school? Kaya kong umuwi mag-isa at isa pa kasama ko naman sina Barbie."
"Talagang nagdahilan ka pa."
"Zayd, I'm fine."
"Are you sure? Bakit ayaw mo kasing sunduin kita?"
"Kasi nga hindi naman kailangan. Sige na bye, huwag mo na akong hintayin uuwi rin ako."
She ended the call.
"Sinong tumawag?" tanong ni Barbie.
"Ang boyfriend kong may impatso yata."
"Hahaha impatso? Bakit naman?"
"Kasi naman sunduin daw ba ako eh kaya ko naman umuwi."
"He's just worried."
"Guniguni kamo, takot yatang palitan ko siya ng italyano."
Humagikhik ang kaibigan.
Past 11 na ng makauwi siya. Nanood pa kasi sila ng live performance ng isang banda that she's not even familiar with pero magagaling ang mga ito kaya tinapos nila ang performance. Nag-enjoy din naman siya since pinatugtog ng mga ito ang ilang songs ng Westlife at One Direction na madalas niyang patugtugin sa kanyang cellphone kapag gusto niya magsoundtrip.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Zayd
Kanina pa panay ang tingin niya sa kanyang wristwatch. It's getting late. Mayamaya pa ay nakita niyang may huminto na taxi sa tapat nila. Sinalubong niya si Nayeli.
"Finally you're home woman."
"Gising ka pa pala? Si Selena?"
"Kanina pa siya natutulog. Bakit ngayon ka lang?"
"Kasi nga nanood kami ng fireworks."
"Yeah, and that's two hours after I called you. Two hours ang fireworks display?"
"Pagkatapos nanood kami ng band performance."
"Mukhang nag-enjoy ka nga."
"Oh yes, sana nga nandoon ka, kayo ni Selena kaso hindi ko naman akalain na may ganoong events pala maybe next time we can go out together."
"Are you mad?"
"Saan?"
"Because Sunday is us time?"
"Of course not. At isa pa matagal naman din talagang hindi kami nagkakasama nina Barbie kaya gusto ko naman na makapagbond kami."
"I'm glad you're not mad."
"Hindi ba may pasok ka pa bukas? You should be sleeping. Hindi ba sabi ko naman kanina na huwag mo na akong hintayin."
"Hindi rin naman ako makakatulog ng alam kong wala ka pa. You shouldn't make me wait."
"Sorry na po. Next time I'll be home early, mga early in the morning ganoon."
"Hey!"
"Joke lang. Alam mo matulog na tayo inaantok na ako."
He was about to open their room nang lumabas si Selena.
"Daddy, I have a dream about monsters."
"It's okay sweetheart its just a dream."
"I'm scared. Can I sleep beside you?"
"Ahm..." tumingin siya kay Nayeli.
"Okay lang, sa guessroom na lang muna ako matutulog" saad ng nobya.
"Are you sure?"
"Yeah sige na tabihan mo na ang anak mo."
"Thank you."
Tumango ito saka humikab.
He is so lucky to have an understanding girlfriend. Pero batid niyang nalulungkot ito dahil may usapan silang manonood ng fireworks ng magkasama. And she didn't say anything about it. Bagamat kahit hindi ito magsalita alam niya she's just pretending she enjoy para hindi siya mag-alala. Babawi siya rito kaya nga bukas balak niyang umuwi ng maaga para masundo ito sa trabaho then they can have dinner together.
BINABASA MO ANG
Can't Marry You Yet (The Edited & Continuation)
RomanceA wedding isn't only the confirmation of marriage, what matter is love. Nayeli rejected his proposal. She started to make excuses. Will it be the reason for them to part ways or they will chose to stay? Main Characters: Zayd Kieron Marques Nayeli Yu...
