Kabanata 33 (The Truth)

13 3 0
                                    


Zayd

Hindi niya alam kung magpapasalamat siya sa anak nang kulitin siya na kumain doon. Kung hindi siya pumayag baka hindi niya makikita ulit si Nayeli.

"Nasaan na ang ex wife at anak mo?" tanong ni Ace.

"Ahm, nakaalis na pala sila. May pupuntahan pa raw."

"So it's just the three of us. Sandali lang, I'll just answer this call" excuse ni Ace at umalis.

Binalingan niya si Nayeli na kanina pa walang imik.

"Where did you go? Nang makabalik ako sa condo wala ka na."

"Nakitira ako pansamantala kina Ace."

"Why did you leave?"

"Sinabi ko naman sayo sa sulat ang dahilan Zayd."

"And you're wrong. You misunderstood everything. Hindi kami nagkabalikan ni Kendra. She just wanted Selena to know me."

"So kasalanan ko pa dahil mahina comprehension ko?"

"Hindi naman sa ganoon pero sana hinintay mo man lang ako para nakapag-usap tayo."

"Eh 'di kasalanan ko nga."

"Guys, nagtatalo ba kayo?" tanong ni Ace nang makabalik.

"Hindi" matigas na sabi ni Nayeli.

"Ahm guys, I think kailangan kong umalis. Nagkaproblema kasi sa sales ng mga isda."

"Ha?"

"Sasama na ako sayo Ace" ani Nayeli.

"No you stay, nakakahiya naman kay Zayd kung iiwan natin siya. Umorder na tayo ng mga pagkain o, sayang naman."

"Don't worry, ako na ang maghahatid sa kanya Ace."

"Great. Sige, enjoy kayo."

Nang makaalis si Ace biglang tumayo si Nayeli.

"I don't think we still need to do this. Kung inaalala mo ang pagkain, ititake-out na lang natin ang mga 'yan."

"Why? Do you really want to leave? Hindi ka na ba talaga babalik Nayeli? Is that it? Hanggang doon na lang ba tayo?"

"Naniwala ka naman kay Kendra na hindi siya makikipagbalikan sayo? You were not there nang puntahan niya ako sa condo. Alam mo kung ano ang sinabi niya sa akin? Syempre nabasa mo na iyon. Totoo lahat iyon, Zayd. Gusto niyang mabuo ang pamilya ninyo. Her, you and Selena."

"Pero hindi ako nakikipagbalikan sa kanya Nayeli."

"Paano kung gusto ni Selena na mabuo kayo? Ipagkakait mo ba iyon sa anak mo? Alam ko higit sa lahat ikaw ang gusto mabigyan ng isang kompletong pamilya ang anak mo. Now, she's here Zayd."

"Paano tayo?"

"Anong magiging laban ko, Zayd?"

"Mahal kita Nayeli. Please comeback. I need you baby."

"Paano si Selena?"

"I'll tell her about us."

"Huwag ka magpadalos-dalos Zayd, bata iyon. Ayaw kong magkasiraan kayo ng dahil sa akin."

"Hindi mangyayari 'yon Nayeli, trust me."

"How sure you are? Sa ngayon kina Ace na muna ako mag-i-stay."

"You will see me again, right? You will call and text me just like before. Or ako lang naman ang gusto na magkabalikan pa tayo ha Nayeli?"

"That's not true. As much I wanted is to be with you pero nasa ganito tayong sitwasyon ngayon Zayd."

"I'll fixed this. Just wait for me."

Tumango ito.

_________________________________________

Nayeli

Maayos siyang nagpaalam kay Ace na babalik na siya sa condo ni Zayd. Malaki ang naitulong sa kanya ng kaibigan. Hindi lang siya nito pinatira sa bahay nito, binigyan din siya nito ng trabaho. Nagtiwala ito sa kakayahan niya kahit wala naman siyang alam sa pagiging secretary.

"Ace, hindi ko alam kung saan magsisimula pero gusto ko lang sabihin na napakalaki ng tulong mo sa akin. Thank you" naluluha niyang sabi.

"Such a crybaby. Masaya ako na makasama ka ulit Ayeng. Kaibigan kita syempre tutulungan kita. Pero sigurado ka na ba na babalik ka kay Zayd?"

"Oo. Alam kong iba na ang sitwasyon namin ngayon pero nangako naman siya na aayusin ito and I believe him."

"Mahal mo talaga siya noh?"

Ngumiti siya saka tumango.

"Then I wish you goodluck. Sigurado ka ba na ayaw mong ihatid kita?"

"Hindi na, iilan lang naman itong gamit ko. Sige Ace kita na lang tayo bukas."

"Sige."

She was about to go out when Zayd arrived. She can't lose this man, she thought.

Can't Marry You Yet (The Edited & Continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon