Kabanata 30 (One hell Steamy Night)

15 3 0
                                        


Nayeli

Nang makarating sa villa ay ipinakilala siya ni Zayd sa mga katrabaho nito. May mga pinoy din doon.

"Kaya naman pala atat na umuwi ng maaga itong si Zayd, may magandang girlfriend pala siyang inuuwian" saad ng isa sa mga katrabaho nito. 

Isang mabining ngiti ang ibinigay niya rito. Kung maingay siya sa mga kaibigan pagdating sa ibang tao halos gusto niyang magtago. She's introvert for a reason.

Naupo sila sa isang mesa medyo bandang dulo. 

"Are you okay?" tanong sa kanya ni Zayd. 

"Yeah, hindi lang ako sanay sa ganito. Ganito pala magparty ang mayayaman ano?"

Natawa ito sa kanya.  Ilang saglit pa ay panay ang tayo ni Zayd dahil tinatawag ito ng boss kaya naiiwan siyang mag-isa sa mesa. Wala rin naman siyang makausap doon kaya uminom na lang siya ng wine. 

Tumayo siya para magretouch. Nagtanong siya sa staff kung nasaan ang CR. Sakto naman na pinay ang staff.

"Umakyat na lang po kayo sa itaas ma'am kaliwa po. Out of order po kasi ang CR dito sa ibaba."

"Ganoon ba, pero okay lang masakit kasi ang paa ko kapag umakyat pa ako sa itaas. Magreretouch lang naman ako ng makeup."

"Sige po, gamitin niyo na lang."

"Salamat."

Pumasok siya. Kinuha niya ang lipstick at nilagyan ang kanyang labi. Inayos niya rin ang kanyang ponytail. Palabas na siya nang makita niyang pumasok si Zayd. 

"Anong ginagawa mo rito?"

"Sinundan kita. Sorry if iniwan kita sa table."

"Okay lang, halika na bumalik na tayo."

"Nayeli?"

"Ha?"

"I hope you won't deny me now" saad nito saka siya hinapit sa baywang. 

"Zayd, what are you doing? Baka may makakita sa atin."

"I lock the door if that's what you worry" pilyo nitong ngisi.

"Hindi naman iyon baka hanapin tayo ng boss mo. Hindi pa kaya tapos ang party" giit niya.

"Let's just say we will ditch the party."

"Nababaliw ka na ba, halika na."

He carried her on the tile sink. Siniil siya nito ng mainit na halik.

"Zayd, let's not do it here" pigil niya sa lalake.

"Where do you want?" anas nito. 

"Somewhere."

Agad na pinangko siya ng binata at lumabas sila. Dumaan sila sa may emergency exit kaya walang nakapansin na wala na sila sa party. He brought her in a nearest motel. 

"Hindi ko alam na may motel malapit dito. Siguro nadala mo na rito ang mga ex mo noh" saad niya.

"You're the only one."

"Ah talaga ba? Kaya pala kilala ka na ng may-ari sa ibaba."

He just laughed. She raised one eyebrow and cornered him a question.

"Where did you do it? Sa sofa ba, sa mesa o sa banyo?"

"All of the above."

"What? Napakamanyak mo talaga!" hampas niya ito ng unan.

Can't Marry You Yet (The Edited & Continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon