Kabanata 40 (Bagong Simula)

13 3 0
                                    


Nayeli

Kinabukasan ay minabuti na rin nilang sabihin sa mga magulang niya ang pagbubuntis. Akala niya magagalit ang mga ito pero malugod naman iyong tinanggap ng ina at ama niya. Actually, they were excited knowing she's pregnant.

"Kailan niyo balak magpakasal?" tanong ng ina sa kanya.

"Sa katunayan niyan 'nay napagkasunduan namin ni Nayeli na magpakasal na muna rito sa Italy, civil wedding lang. Pagkatapos manganak ni Nayeli ay uuwi kami riyan para naman magpakasal sa simbahan" paliwanag ni Zayd.

"Sige. Nayeli alagaan mo ang sarili mo. Zayd ikaw na ang bahala sa anak ko ah, alam mo naman kung gaano katigas ang ulo niyan."

"Don't worry 'nay I will always keep her safe."

"Nay, huwag na po kayo masyadong mag-aalala dyan ni tatay, hindi naman po maselan ang pagbubuntis ko kaya okay na okay po ako" pagbibigay assurance niya sa ina.

"Kahit hindi maselan pero kailangan ka parin bantayan, mabuti na iyong nag-iingat. Syempre unang apo namin 'yan sayo anak" saad ng ama.

"Sige ho 'tay, iingatan ko po ang sarili ko."

Inasikaso na rin nila ni Zayd ang pagpapakasal nila sa huwes. At syempre ang present ay ang ina nito at nalalapit na kaibigan nila like Jackson, Barbie, Takoyama, Ace at Piper. After the ceremony nagkaroon lang sila ng konting salu-salo sa bahay ng kanyang biyenan.

"Congratulations to both of you bro" ani Jackson.

"Thanks man."

"Thank you Sir Jackson" saas niya rito.

Binigyan sila ng cheque ng dating boss. Syempre medyo malaki iyon dahil yayamin naman si Sir Jackson at sinabi na rin mismo nito ng dahil iyon sa loyalty niya sa bar nito.

Pinuntahan niya ang mga kaibigan. Masaya siyang nakipagkwentuhan sa mga ito.

"Ayeng naman bakit hindi mo naman sinabi na may bestfriend ka palang gwapo" ani Piper.

"Hoy Piper tigilan mo iyang si Ace soon to be taken na 'yan."

"Ay ganoon?"

"Umuwi ka na lang talaga ng pinas Piper wala ka ng chance magkajowa rito sa Italy" komento ni Barbie.

"Ako na naman ang nakita mo palibhasa may jowa ka na. Napakaothers ninyong dalawa, makikita ninyo pagbalik ko sa pinas magkakajowa rin ako."

Napailing na napapangiti na lang siya sa mga kaibigan. Lumapit si Zayd at niyakap siya sa beywang.

"Hoy pasintabi naman sa single rito" reklamo ni Piper.

"Selos ka lang hanap ka rin ng sayo."

"Grabe na kayo, kanina niyo pa ako inaapi ah. Ace, comfort me. Joke. Soon to be taken ka na pala pero soon pa naman."

"Bakit hindi ka na lang kasi mag-uwi ng italyano sa Pinas Piper" saad niya.

"Sawa na nga ako sa kanila hindi ba?"

"Paanong hindi ka magsasawa, lagi ka kasing iniiwan" tukso ni Barbie.

"Hoy Barbie, may problema ka ba sa akin? Tabi nga Takoyama sasakalin ko lang iyang girlfriend mo."

"I won't let you that" ani Takoyama.

"Wow naman."

"Pero Ace kapag nagbago ang isip mo pwede mo akong samahan sa Pinas" baling nito sa kaibigan niya.

"Noted but I'm happy right now Piper."

"Aray! Ayeng, bigyan mo nga ako ng isa pang bote ng gin heartbroken ako" ngawa nito.

Natawa siya rito. Piper is such a happy virus for them. Sa kanilang tatlo ni Barbie ito ang madalas na magbiro, mas kalog kasi ito. At ngayong kasal na siya she only want her friends to be happy as well.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Zayd

Nilapitan sila ng ina.

"Zayd, ano ng balak ninyo after this?"

"Ahm, hintayin ko na lang na makapanganak si Nayeli tapos pupunta ng Pilipinas para maikasal sa simbahan since iyon din ang gusto ng parents ni Nayeli."

"Okay, just tell me when will be the church wedding so I can process my leave in the hospital."

Tumango siya.

"Ibig bang sabihin niyan eh sa Pilipinas na kayo maninirahan?"

"Iyon kasi ang gusto ni Nayeli ma pero gusto rin kasi namin na sumama ka doon para mas malapit sa inyo ang apo ninyo."

"Alam mo gustong-gusto ko 'yan kaya lang alam mo hindi ko maiwan ang trabaho rito."

"Iyan ba talaga ang dahilan ma? Are you still hoping na babalik si papa?"

"Zayd...."

"Please ma, let's leave Milan together kapag nasa Pinas ka makakalimutan mo ang mapait na alaala rito. I don't want you to be alone here ma. Please, just go with us."

He saw his mother sighed.

"Sige, panahon na rin siguro para bumalik ako ng Pinas."

Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ng ina. Masaya siya dahil makakasama nila ito sa pagbabalik nila sa Pilipinas.

Nang manganak si Nayeli C-Section ito dahil hindi nito nakayanan ang panganganak sa kanilang panganay na pinangalanan nilang Peter Zayn. Their son is too big kaya kailangan talagang i-caesarean.

Nagstay sila sa Milan ng isa pang buwan. Nang pwede ng makabyahe si Nayeli ay bumalik na sila ng Pilipinas.

Isang buwan lang din ang hinintay nila at naikasal na rin sila sa simbahan ni Nayeli and that is the most memorable for him to brought her in the altar. Matagal niya na iyon inaasam. Nagpasya rin silang magtayo ng bahay ng asawa malapit sa beach, ginamit nila ang perang nakuha nila sa pinagbintahan nila ng condo sa Italy. Simpleng bahay lang din ang pinagawa nila, hindi iyon ganoon kalaki. Sakto lang para sa bubuoin nilang pamilya ni Nayeli.

Bagong simula ito sa kanilang mag-asawa.

Can't Marry You Yet (The Edited & Continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon