Nayeli
Tinatapos niya na lang ang sales output tapos makakauwi na siya. Napahikab siya, medyo nagugutom na rin siya. Nakalimutan niya palang kumain ng lunch dahil sa sunod-sunod na delivery.
"Hey, hindi ka pa ba uuwi?"
Napaangat siya ng tingin at nakita si Ace.
"Tinatapos ko lang 'to. May lakad ka?"
"I have a date."
"Sana naman matinong babae na' yan ha iyong hindi gold digger."
"Hahaha I know hayaan mo ipakikilala ko siya sayo kapag masasabi kong siya na ang the one."
"Corny nito, umalis ka na nga" pagtataboy niya rito.
"Hahaha okay. Ikaw na bahalang magsara rito ah."
"No worries."
Ace is a good friend kaya gusto niya na sumaya ito. Ibinalik niya ang tuon sa papel na hawak. Mayamaya pa ay may nagbukas ng pinto hindi siya nag-abala pang tingnan ito dahil akala niya si Ace.
"Akala ko ba may date ka, bakit ka bumalik?" tanong niya habang nanatili ang mga mata sa papel na hawak.
"Hinihintay ko ang ka-date ko."
His voice made her look up.
"Zayd? Ano ang ginagawa mo rito?"
"Sinusundo ka."
"Pero akala ko malilate ka ng uwi?"
"I lied."
"What's the occasion? Are we celebrating something?"
"Wala naman. Gusto lang kita i-treat ng dinner. Ahm, you can call it a dinner date."
"Siguro may nagawa kang kasalanan ano?"
"Wala, I mean partly yes."
"What is it this time? Nagkaanak ka na naman ba sa ibang babae?"
"Of course not."
"Then what?"
"Gusto ko lang na bumawi sayo since hindi kita nasamahan manood ng fireworks kahapon."
"So you remember it huh."
"Syempre naman."
"And you didn't say anything?"
"Because I'm guilty. Kaya heto pinilit kong makauwi ng maaga para masundo kita."
"So saan tayo?"
"Ikaw? Saan mo gusto?"
"Sa bahay na lang tayo. I'll cook medyo matagal na rin kasing hindi ako nakapagluto."
Nagpapadeliver na lang kasi sila since wala ng time para magluto.
"Are you sure?"
"Yes. Kumain na rin kasi kami sa resto kahapon kaya gusto ko homemade naman ngayon."
"Okay."
"Nga pala dumaan na rin tayo saglit sa grocery para makapamili rin ako ng ingredients."
"Sure."
Pagtayo niya bigla na lang siyang nakaramdam ng hilo kaya nasapo niya ang ulo.
"Is there something wrong?" tanong ni Zayd.
"I'm fine. Medyo nahilo lang."
"Magtake-out na lang kaya tayo ng pagkain huwag ka na magluto."
"I'm fine. Gutom lang siguro 'to. Hindi kasi ako nakapaglunch."
"Baka naman pinapagod mo na ng husto ang sarili mo sa trabaho."
"Hindi naman ang gaan na nga lang ng trabaho ko rito compare sa bar dati. Marami lang talaga delivery kanina."
"Okay, kaya mo naman?"
"Of course."
Pero hindi pa man sila nakakalabas ng opisina ay nagdilim na ang kanyang paningin.
_________________________________________
Zayd
Dapat dadalhin na ni Zayd ang nobya sa hospital pero nagpumilit itong umuwi na lang dahil pahinga lang daw ang kailangan nito. But he is still worried.
"Magpahinga ka na. Magpapadeliver na lang ako ng makakain natin."
"Sorry."
"Sorry for what?"
"Kung hindi kita maipagluluto. But tomorrow I'll get up early––"
"Sssh.. no need. Magpahinga ka na lang para makabawi ka ng lakas. Sa office na lang ako magbibreakfast."
"Pero––"
"No buts Nayeli. Sundin mo na lang ako since ayaw mo rin naman na magpadala sa ospital."
"Because you're overacting."
"OA na kung OA nag-aalala lang ako."
"But there's nothing to be worried, I'm fine."
Napailing na lang siya. Naging maayos naman si Nayeli kinabukasan. Ang gusto niya ay hindi na muna ito magtrabaho but she still insisted.
"Don't restrain yourself" paalala niya.
"Oo na doc. Nahilo lang naman ako kagabi dahil sa gutom, hayaan mo kakain na ako on time."
"Dapat lang or I'll be sending you to the hospital and you don't have a say about it."
"Hmp."
"Susunduin kita mamaya."
"Hindi naman kailangan."
"You better not argue to me this time Nayeli."
"Okay. Sige na, umalis ka na malilate ka pa niyan eh."
Kailangan pa siyang ipagtabuyan ni Nayeli para makaalis siya because he is hesitating to leave her.
Every now and then he was checking her.
"Zayd, I'm totally okay. Magtrabaho ka na dyan."
"Did you receive it? Nagpadala ako ng lunch mo sakaling nakalimutan mo na naman kumain."
"Wow alagang-alagang ah" narinig niyang komento ni Ace.
"Tsk. Umalis ka nga rito, napakatsismoso nito" pagtataboy dito ni Nayeli
"Nakaloud speaker ka princess that's why I heard it even outside."
"Sige na Zayd, I'll call you later" ani Nayeli.
"Okay, kumain ka na."
"Kakain na po."
Ibinaba niya ang tawag at hinarap ang trabaho. Mapapanatag na ang loob niya ngayong alam niyang okay naman ang girlfriend.
BINABASA MO ANG
Can't Marry You Yet (The Edited & Continuation)
RomanceA wedding isn't only the confirmation of marriage, what matter is love. Nayeli rejected his proposal. She started to make excuses. Will it be the reason for them to part ways or they will chose to stay? Main Characters: Zayd Kieron Marques Nayeli Yu...
