C28

81 4 0
                                    

C28

  “Siguro bagay sayo, red or blue?” Jaja suggesting.

Nakatitig kaming lahat sa salamin habang iniisip nila ang bagay na kulay saakin.

“What about your fave color?” Kylie asked me.

“I like blue...” I murmured.

“Edi go tayo sa blue!” anunsyo ni Maveric at nanguna na sa pagpili ng gown.

“Jaja, mamili ka rin muna ng sayo. Ako na pipili ng saakin!” ani ko dito.

“Hindi pwede! May pustahan kami nina Jerome dito, kaya kailangan ako manalo!” May determinasyong sabi nito at tinalikuran ako.

Nakakatuwa mga frennies mo 'no,” puna ni Kylie. “Kaya pala ayaw mo na saakin ha.”

“Okay po, drama session featuring Kylie Ramos.” Biro ko dito habang namimili.

“Pero bakit ayaw mo pa sakanila sabihin ang totoo?”

Bumalik na naman ako sa tanong na 'yan.

“It just...I can't. Baka kapag naging si Chelsea ulit ako, mawala ko sila. At ayoko n'on Kylie, I already love them as my friend...and I can't afford to lose them, just like you.” I honestly answered her.

“That's what you makes Chelsea after all, ang laki na ng pinagbago mo.”Salaysay nito at tumawa pa. “Minsan tinatanong ko pa sarili ko, may kaibigan ba akong ganito? Pero, totoo Chelsea. You did change for a good, and a little reminder...you already knew who you are.”

Napatigil ako sa kinatatayuan ko at napapapwi ng luha sa sinabi niya. Nakigulo siya kina Jaja na may hawak na mga gowns na gustong ipasukat saakin.

“Oo na, amin na lahat! Susukatin ko.” Natutuwa ko na lamang na sabi at pumasok sa fitting room.

“Last na 'to ha! Nakakapagod na!” Reklamo ko at sinuot ang isang gown na puff ang sleeves at parang tube siya tingnan. Katamtaman rin ang haba nito, kaya makakakilos rin ako ng kumportable.

“Eto pwede na?”

Lumabas ako at nakita kong nandoon na rin si Jerome, lahat sila ay napansin kong nakatulala. Nabasag ang katahimikan ng pumalakpak si Jaja ng malakas at iniangat pa sa ere ang kamay.

“Nanalo ako! Shet, mga pusta niyo amin na!”

Natawa na lamang ako sakanila at napakamot pa sa ulo. Sa huli ito na ang pinili kong gown, sabi ay id-deliver na lamang ito sa apartment namin. Si Jaja naman ay may napili na ring gown na gagamitin, si Maveric ay gan'on rin. Tinatanong ko kung anong klase ang sakanila, gusto nila ay surprise daw. Si Jerome naman ay nakapili na rin ng tuxedo na gagamitin niya. At ang nagbayad sa lahat ay walang iba kung hindi si Kylie.

Napunta kami sa isang sikat na brand ng make up store at doon namili sina Maveric ng make up, si Jerome naman ay alam king nababagot na.

“Miss, tester po ba ito?” Tanong ko sa isang staff.

“Yes po, miss.”

Tumango ako at nag-thank you rito. Hinila ko sa gilid si Jerome at pinakita sakan'ya ang isang nude pink liquid lipstick.

“Ano naman gagawin ko d'yan? Papabili ka?” Bagot nitong tanong.

“Pwedeng try ko sayo 'to?” Natutuwa kong tanong.

Unknown Man (Anonymous Series #1)Where stories live. Discover now