chapter 13 : prize

101 3 0
                                        

chapter 13 : prize


  “...I'M ATLAS,” he introduced himself.

Atlas...sounds familiar?

Parang narinig ko na siya somewhere, but I can't remember it!

Gwapo ng name mo ha!” Tukso ng MC. 

Umaakyat ang ilang teachers sa stage, may dala silang sash at crown. Pinasuot nila ito saamin at nginitian kaming dalawa.

“Picture taking!” the teacher said.

Agad kaming nagtabi ni Atlas sa pag-usog saamin ng dalawang teachers. I smiled at the camera and he's too. One more shot, he snaked his hands around my waist and pulled me closer.

Pagkatapos ng picture taking ay halos nangunguna na ako sa pagbaba ng stage, pero hindi ko inaasahan ang mabilis na pagbaba ni Atlas para gabayan ako sa pagbaba.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, at anytime sasabog na 'to!

“Chelsea, akala ko hindi ka makakasama sa ball ha?” tanong saakin ni Jake na ngayon ay nasa harapan ko na.

“What are you saying?” I curiously asked him back.

Anong hindi ako pupunta? Kung hindi ako pupunta, anong ginagawa ko ngayon dito diba?

“Sabi ni Manang Noemi, nagkasakit ka raw. Kaya hindi ka makakapunta ngayon,” aniya habang nakatitig sa mata ko.

“I'm not sick, Jake. Ano bang pinagsasabi mo ha?” tanong ko na may bahid ng pagka-inis, nang lumapit siya saakin ay naamoy kong naka-inom siya. “You better go home, you're drunk Jake.”

Umiiling lamang siya at lalong lumapit saakin,
“I'm not drunk, just tipsy. And who is Atlas?”

Doon na ako napalingon sa paligid ko dahil nawala na naman siya!

Sandaling commercial! The Modeling Club have something to announce this night, it's regarding to those contestants who joined their contest, Ms. Jill the floor is yours.” Bigay nito ng mic kay Jill na ngayon ay nakangiti habang may hawak na envelope.

Agad ko namang tinalikuran si Jake para mapakinggan ng maiigi kung sino ang nanalo. Gosh, I'm nervous! I want to win that and gave it to Atlas.

"Chelsea kinakausap kita, harapin mo ako!” narinig kong wika ni Jake.

Pero hindi ko siya pinansin, bagkus ay inaabangan ko ang sasabihin ni Jill.


Thanks for Ms. Cassidy for this gown, and to Ms. Quillana for the make up. Your clubs are really trusted at any moment, kaya mag-join kayo sa clubs nila.” Pasasalamat ni Jill sa kanila, she finally open the envelop to make her smile wider and now, she's announcing the winner. “Before I announced the winners, this is the short review of the contestants who joined the contest. Please take a look at the projector,"

Lahat kami ay dumako ang tingin sa projector, nag-umpisa na ang video na mag-play. Pinakilala roon ang ilang contestant.

“Chelsea Afloria!”

Halos manlaki ang mata ko sa mga shots na mayroon ako na lumabas sa projector, some of the pictures are taken without my consent! Rinig ko rin ang ilang tilian ng tao at naramdaman ko ang mga titig nila saakin.

Unknown Man (Anonymous Series #1)Where stories live. Discover now