Chapter Two: Delos Santos

2.7K 45 3
                                    



2008

HOLY ANGELS' HAVEN

LUCIANA

"Luciana tingnan natin sa nursery yung baby!" Dumako ang tingin ko kay Victoria dahil sa patuloy na pangangalabit nito sa akin. Binaling ko muli ang tingin sa kalsada kung saan tanaw na tanaw ang mga taong naglalakad sa bangketa at rinig na rinig ang mga busina ng sasakyan.

"Huy Lucianaaa!" Kulit pa sa akin ni Victoria. Nagtataka nga ako kung bakit lapit ng lapit si Victoria, kasi kung tutuusin masungit si Victoria sa lahat ng tao, hindi din ito palakaibigan sa mga bumisita sa orphanage kaya nga't laging na pagsabihan nila sister, pero kung anong kinasungit nito sa ibang tao yun naman ang kinabait nito sa akin.

"Oo na! Oo na!" Napatayo nalamang ako mula sa swing na kanyang inuupuan. Nakita ko naman na napalakpak sa tuwa si Victoria at napailing na lamang ako. Napakabratty nito talaga, kaya sakit sa ulo nila sister. Kung di ito nagsusungit nagrereynahan ito sa orphanage. Kami kasi ang pinakamatandang andoon padin at hindi pa naampon.

"Halika Na na besty!" Ani ni Victoria sabay hila sa akin paloob ng orphanage at agarang lumiko ng kanan upang makapunta sa nursery.

Pareho kaming walang taong gulang ni Victoria, madami na akong nakilalang mga magulang na may balak na magampon ngunit malas lang ata ako dahil hindi ako ang napipili. Habang si Victoria naman ay tinatarayan lamang ang mga visitors dahil hindi daw yon ang pamilyang gusto niyang umapon sa kanya. Paminsan naiisip niya na buti pa si Victoria malakas loob nitong tumanggi at mukang siya pa ang mamimili ng 'tamang' aampon sakanya, habang ako mukhang hindi naman napipili kahit gustong gusto ko ng maapon.

"OMG! Lucianaaaa!" Tili ni Victoria at agad ko namang tinakpan ang bibig nito dahil baka mapagalitan kami nila sister at magising yung baby na nasa crib.

Nasa labas lamang kami ng silid at mula sa isang transparent glass window lamang namin nakikita yung baby.

Napatingin ako sa nameplate na nakalagay sa crib 'Anastacia'. Tulog na tulog ito, mukhang chinita at napakaputi.

"Hala ang cute nga!" ani ko habang ang kamay ay nakatakip padin sa bibig ni Victoria na tinanggal na naman ng kaibigan ko.

"Luciana ha! ang alat! uso mag safeguard!" Inis na saad ni Vicky habang punas punas pa ang labi at umaaktong nasusuka.

Napatawa ako dahil nakabusangot ang muka ni Victoria at mukang may nalalasahang nakakdiri. Victoria glared at me but it quickly became a smile when my friend looked at the baby. Tantsa niya mga nasa tatlong gulang lamang ito.

Sometimes I wonder aside from not wanting kids ano pa kaya ang ibang dahilan kung bakit iniiwan kaming mga kagaya ko sa mga orphanage ng kanilang magulang. Bakit pa kami ginawa kung hindi din namn kaming kayang alagaan.

"Alam mo Luci rinig ko kahapon kanila sister may magaampon na daw sa baby na 'to" ani ni Victoria, kapwa padin nilang tinitingan ang baby. Medyo nagigising na ito dahil kumukurap kurap na. "Tapos narinig ko din na mayaman daw magaampon sakanya" patuloy nito.

"Grabe Vic! bad yan, diba sabi ni sister bawal makinig sa usapang matanda?" Biro niya kay Victoria, chismosa talaga 'tong kaibigan ko at kahit na paalahanan ko na wag maging ganon mukang di kakayanin ni Victoria dahil mukang manghihina ata ito kung di nakahagilap ng mga chismis. Kahit saan pa yan, sa mga artista, sa mga kapwa nilang orphan pati nadin sa mga madre na nagaalaga sakanila napakatalas ng tenga ni Victoria.

"Okay lang maging chismosa basta hindi daldalera noh!" Defensive nitong saad habang nagpapacute sa batang nasa crib na ngayon ay gising na at nakatingin sakanilang dalawa.

Pariah's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon