Chapter Fourteen: Bound By Revenge

1.7K 28 9
                                    

Hi guys! thank you for reading Pariah's Wrath!! I will be uploading two chapters today! I dedicate this to :  

ashtreaestherealricaccin24gettecobletaTelitRkrazzieeLovejanny_deus13, and to my silent readers. My heart is full of happiness and gratefulness!

Plug in ko na 'din: Palabra De Honor (it's in my profile), I hope you enjoy this story as well. 

Dili muna ko magaupdate sa Saturday kay daghan akong plates :( My next update will be on sunday! 

Comment your thoughts <3

_____________________________________

Luciana:

"Ayan! perfect! nako ma'am ang ganda ganda po ninyo! I'm so sure Mr. Saint Claire won't be able to keep his hands of you!." masiglang ani ng baklang nagmamake up sa akin.

I just shrugged and look at the mirror. Maganda nga ang pagkamake up sa akin, kahit na 'di ako masyadong nakatulog kagabi ay walang bakas ng eyebags kahit na hindi naman mabigat ang nilagay na make up. Mas gusto ko kasing natural lang.

Hindi na bago sa akin ang ayusan at make-upan dahil kasama ito sa propesyon ko bilang ballerina. That is why I chose a white lace off-shoulder ball gown as my wedding dress.

Mrs. SaintClaire suggested a different flowy and more bohemian style that's more suited for a beach wedding but I declined. Wala akong paki-alam even if it's a beach wedding, I want to be reminded of what I have worked hard for in almost two decades of my life. Pinabayaan din naman nila ako to get the gown that I like.

I got the gown that would remind me of ballet because I feel the same way today. Para bang ngayong araw at sa mga susunod na bukas ay magpeperform ako. I will need to metaphorically dance my way through my survival. Gabriel's my audience and I am his entertainment. I need to entice him just like how I do to the people who watch me dance.

His island is my stage now.

"Ma'am lagay na po natin tong belo niyo po." Ani ng wedding assistant ko.

I gave myself one last look in the vanity at lumapit sa may kama kung saan nakalatag ang belo ko. Halos magkasing tangkad kami ng assistant kaya't mabilis na naikabit ang belo. I sat down on the bed at sinuot na ang wedding shoes ko na puting Manolo Blahnik. Hindi naman ito babaon sa buhangin dahil may wooden platform ang aisle na lalakaran ko.

Lumapit ako sa floor length mirror na nakakabit sa pintuan ng walk-in-closet as sinibad ang sarili. I look beautiful, kung mahal ko lamang ang taong papakasalan ko at gusto ko ang nangyayari siguro ay sumasakit na ang pisngi ko sa kakangiti.

Pero hindi.

Kailangan 'kong magpanggap na masaya.

Narinig 'kong may kinausap sa walkie talkie yung assistant at hindi nga nagtagal ay tinawag na niya ako dahil maguumpisa na ang kasal.

She ushered me, helping me with the long train of veil.

Pababa ako ng hagdan when I saw Mr. SaintClaire on the last step of the staircase. Kahit na medyo may idad halata ang pagaalaga nito sa sarili. He looks handsome, para itong si George Clooney kung may ihahmbing mang artista.

I awkwardly smile at him ng marating ko ang pinakahuling baytang. He offered his arm for me to cling on at ngumiti 'din sa akin. It was my first time to see him smile, ang pangalawang beses maging ganito kalapit sakanya.

Pariah's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon