Unang beses palang noong makaramdam ako ng pag-ibig ay hindi ko na mapaliwanag ang nadarama. Para bang may kulang, na hindi mapunuan nino man.Sinubukan ko itong hanapin sa mga tao saking paligid, pero ganoon pa din ang bigat at na tila'y hindi naman ako tunay na masaya. Naisip ko siguro nga'y iba ang saya pag may taong pinapahalagahan at minamahal.
Pero saan nga ba kita matatagpuan?
Sinubukan kitang hanapin pero hindi pala tamang tao ang aking napuntahan, sinubukan kitang tingnan sa pigura ng iba pero hindi pa din kita nakita.
Mahal, paulit ulit kong tinatanong kung ikaw na nga ba ang taong nasa harapan ko o sadyang nakita ko lamang ang pigura niya sa katauhan mo.
Pero sa kasawiang palad, hindi pala ikaw siya.
Hindi pala siya ang lalaking binigay sakin ng Diyos, dahil heto ako, naghihintay at umaasa na sa pagdating mo, at ikaw ang pupuno ng hinahanap kong saya at pagmamahal.
At bubuo sa puso kong hinahanap ang pirasong nawawala pa.
YOU ARE READING
Biyaya. • blessing •
Randomthis is not a story. this is a book for my future lover, the person I prayed for would come into my life someday. From the day I wrote this book, I promised myself that I'll wait for my God-given person and not find anyone. This is my waiting game...