Pagmamahal, isang salita na sobrang makapangyarihan sa mundong to. Dahil dito nabubuo muli ang isang tao. Sa pagkawasak at sa pagkabigo, mabubuo ng isang taong mahal mo.
Yun lang akala ko noon tungkol sa pagmamahal. Na ito'y masaya sa bawat sandali na ikaw ay nagmamahal. Pero sa paglipas nang araw, buwan at taon, ay naintindihan ko na.
Na ito din ay isang masakit na karanasan.
Hindi lamang ito kusang binibigay, sa taong gusto mo lamang. Bagkus ito'y ipanapanalo at sinusugalan. At hindi ito madali para malagpasan.
Ngunit dito, sa tagpong ito, ay naramdaman ko. Na kahit ano pa ang sabihin ng mga tao, sa paligid man natin tayo ay mabigo. Ako pa din ang nagsisilbi mong tahanan at kanlungan.
Ang 'yong nag iisang paraluman.
Mahirap man ang mga daan, iisa padin ang patutunguhan. Iisa pa din ang pangarap na ating inaasam sa hinaharap, at ito ay an matatamasa nating kaligayahan.
Pero heto na din pala ang huling pahina ko para sayo, dahil sa araw na to natapos na naman ang tayo. Sa napakaraming rason, isa lang ang naiwan ko sa isipan ko.
Sakit.
Sakit na kailangan ko ng pakawalan, kasama ang pangako kong walang hanggan, maaari mang dito na talaga matapos ang lahat, pero salamat muli sa mga alala. Alaalang hindi ko inakalang mararamdaman ko sayo sa huling pagkakataon.
Paalam, hanggang sa muli mahal💛
YOU ARE READING
Biyaya. • blessing •
De Todothis is not a story. this is a book for my future lover, the person I prayed for would come into my life someday. From the day I wrote this book, I promised myself that I'll wait for my God-given person and not find anyone. This is my waiting game...