Sana pag pwede na, pwede pa. Iyon ang huling salita na narinig ko sayo mag mula ng araw na sinabi natin sa isa't isang wala na. Pero wala na ba talaga? Dahil ako, hindi ako sigurado.
Siguro'y mali nga ang lahat ng ito, siguro'y maling ikaw padin ang laman ng lahat ng ito. Pero wala e, sayo padin tumatakbo ang buhay ko. Hindi naman ito dapat tungkol sayo, pero sa bawat salitang nakapaloob rito, ay ikaw ang nasa isipan ko.
Mali bang mahalin kita? O maling asahan ka?
Sa loob ng ilang buwan, ikaw parin ang paksa nito. Ikaw parin ang kumukumpleto sa kwento ko. Hindi ko malaman pero ikaw parin ang natatangi sa buhay na meron ako.
Iba yata talaga pag ikaw ang dahilan ng lahat ng mga ito.
Na ikaw ang naging dahilan bakit ninais kong mabuo. Ikaw ang dahilan kung bakit at sa paano ko nasasabing pipiliin padin kita sa araw araw. At ikaw ang dahilan bakit ko nasulat ang librong to.
Pangako at pangarap, kasama ka padin sa mga nakapaloob doon. Mahal, napupuno padin ako ng imahinasyon tungkol sayo. Pero sana nga, pag pwede na, pwede pa.
Dahil hindi na ko hahanap ng iba pa.
YOU ARE READING
Biyaya. • blessing •
Randomthis is not a story. this is a book for my future lover, the person I prayed for would come into my life someday. From the day I wrote this book, I promised myself that I'll wait for my God-given person and not find anyone. This is my waiting game...