Sa apat na taon nating nagmamahalan pang ilan na to sa sakit na ating naramdaman, pero ikaw ang pinipili ko pading maging tahanan, isa , dalawa, tatlo, ako'y muling mayayakap mo.Pero hindi naman ganon kadali ang lahat, sana nga ganon nalang.
Paglipas ng buwan, araw, oras ikaw padin ang laman, masakit man pero hindi ka pa din bibitawan. Dahil ang panalangin ko na sa pag balik mong muli, ay hindi ka na papakawalang muli.
Ito ang ika-labing siyam na pahina at tula ko para sayo. At sinasabi pa din ng puso ko, na kahit mawala man ang araw at takpan ito ng madidilim na ulap. Sayo pa din ako sisilong at ang uwi ko.
Dahil kahit mawala man ang aking buwan, ako pa rin ang magsisilbing liwanag ng kinabukasang darating sayo.
Hindi naman madali ang lahat, marahil marami na tayong labang napanalo, yung iba'y natalo't nawala na tayo, pero tila'y hindi ito hahayaan ng pagmamahal na tuluyan tayong masira.
Pagmamahal ang magiging sandalan at kakapitan, dahil ito'y maipapanalo natin sa lahat ng laban.
YOU ARE READING
Biyaya. • blessing •
Randomthis is not a story. this is a book for my future lover, the person I prayed for would come into my life someday. From the day I wrote this book, I promised myself that I'll wait for my God-given person and not find anyone. This is my waiting game...