ika - labing anim na pahina

1 0 0
                                    

Mahal, kamusta ang araw mo? Sana ito'y masaya't maganda, dahil siguradong pag uwi mo sa akin ay higit itong gaganda. Sa araw na ito ay may nais lang ako ipaalala sayo. Na higit ka pa sa higit na gusto ko sa buhay ko.

Dahil sapat ka na para sa isang tulad ko.

Hindi ko inaasahan ito, sa isang babaeng katulad ko, mahuhulog ang kagaya mo. Sa dinami daming babae sa mundo, ako ang iyong pinili. Pero kung sakaling hindi man ako magtagal sa iyong piling.

Napakasaya at nagpapasalamat padin ako, dahil ikaw lang ang aking pipiliin.

Sa habang buhay man, maging sa susunod kong buhay, ikaw din ang aking mamahalin. Hindi man ngayon, pero ako ay siguradong mula pa noon,

Sayo lang ang puwang sa puso ko.

Kaya't mahal, wag mong iisiping ika'y nagkulang, dahil higit pa sa sapat ang nabibigay mong tapat. At hindi na ako hihingi pa ng iba.

Dahil ito na yon, ikaw at ako na yon.

Wala ng siguro, puro nalamang sigurado. Sa oras na ito, hindi ko alam kung saan nanaman tayo dadalhin ng pag sugal nating ito. Pero  dalangin ko padin mula noon hanggang ngayon.

Ito na to, tayo na to.

Biyaya. • blessing •Where stories live. Discover now