Pagmamahal. Hindi lamang ito isang salita, o isang katagang masasabi lamang ng iyong mga labi. Ito ay isang damdamin na kusang nararamdaman ng puso't isipan ng isang taong nagmamahal.
Paano nga ba malalaman kung mahal ko na ang isang tao?
Paano ko nga ba malalamang kung nagmamahal na ko ng totoo?
Paano ko ba masasabing mahal ko na ang tulad mo?
Ito ang mga tatlong tanong na paulit-ulit tumatakbo sa isipan ko. Na sa araw na makilala na kita ay hindi ko alam kung anong gagawin ng puso. Sa sandaling mayakap kita, ay paano ko nga ba masasabing ikaw na nga.
Kusa ba itong titibok ng hindi ko namamalayan?
O titigil din ang mundo ko tulad ng pagtigil ng mga bagay sa paligid mo.
Maaari bang kilala na kita?Nasilayan ka na? O baka makikita pa lamang. Sakali mang dumating ang araw na iyon, ay hindi ko alam.
Pero isa lang ang alam ko, sayo ko lamang iaalay ang matagal ko ng iniipon.
At yon ang pagmamahal ko.
Hindi man ako handa, pero sisiguraduhin kong ang pagmamahal na to ay sayo. Hindi ito magkukulang dahil sayo ko lang ilalaan ang bagay na ito.
Para lang sayo, mahal ko.
YOU ARE READING
Biyaya. • blessing •
Randomthis is not a story. this is a book for my future lover, the person I prayed for would come into my life someday. From the day I wrote this book, I promised myself that I'll wait for my God-given person and not find anyone. This is my waiting game...