Ang iyong mga ngiti, ang nais kong makita muli. Iyon ang sabi ko mula noong maghiwalay tayo, dahil hindi ko alam kung makikita ko pa ba yon na ako ang dahilan ng pagkurba ng iyong labi.Pero nagkamali ako, dahil nakita ko iyon muli, at masaya akong isa ako sa mga dahilan ng iyong mga ngiti. Problema man ang dumating, asahan mong lagi mo kong kapiling.
Sa puso't isipan mo ako'y mananatili. Alam kong hindi ito magiging madali, sapagkat tayo nagsisimula uli. Pero sapat muna ito na iparamdam na hindi natin iiwan ang isa't isa.
Gusto ko lang naman sumaya.
Iyon ang sabi ko sa aking sarili ng ika'y makausap muli. Ikaw muli ang nagbibigay ngiti sa mga labi, ngunit bakit parang hadlang nanaman ang mundo saatin.
Kailan ba mangyayari ang araw na pwede na ako muling sumaya sayo? Na isang araw pwede ko ng ipagsigawang ikaw ang mahal ko. At hindi ako matatakot sabihin na ikaw ang gusto ko.
Ikaw lang naman talaga ang gusto ko.
Sa tagpong ito, nalaman ko muling hindi na ko nagiisa sa labang meron tayo. Sa laban na paulit ulit nating binuo pero tayo din ang nauubos.
Dahil ang labang ito ay atin nang ipapanalo.
YOU ARE READING
Biyaya. • blessing •
Randomthis is not a story. this is a book for my future lover, the person I prayed for would come into my life someday. From the day I wrote this book, I promised myself that I'll wait for my God-given person and not find anyone. This is my waiting game...