ika - apat na pahina.

2 0 0
                                    

Ginusto kong isulat ito dahil sayo, ginusto kong maghintay para sa darating na tayo. Na sa tamang panahon, ay masasabi kong tama na ang taong ito.

Hindi ko sinasabing ginusto lang kita dahil sa mga panaginip at pantasya, at lalong hindi rin sa ideal kong lalaki sa pelikula't libro ko lamang nakikita.

Kundi dahil ginusto kong simulan ang kwento  kung paano ko binuo ang sarili. Ang kwento kung saan nagsimula ang lahat, mula sa paghihintay na ikaw ay dumating. Hanggang sa mayakap ka na ng mahigpit.

Yung tipong walang ng bukas na darating, at sayo ibabahagi ang pagmamahal na iniipon ko para sa taong gusto kong paglaanan nito. Hindi man ngayon, hindi man bukas.

Pero sana sa susunod na buwan o taon ay magtagpo na ang ating landas.

Nang masabi ko at malaman mo na hindi man ikaw ang unang naging laman ng puso ko.

Ikaw naman ang nais makasama hanggang wakas.

Na hindi na lamang ako naghihintay sa kung sino lang ang darating. Dahil naghihintay ako sa kung sino ang ibibigay ng Diyos sa akin.

At ang dalangin ay na sana ang mundo mo at mundo ko ay maging isa, at masasabi na ito'y atin.

Biyaya. • blessing •Where stories live. Discover now