ikatlong pahina

3 0 0
                                    


Ngayong gabi ay may nais lamang akong ikwento sayo. Isa ito sa mga gabi na ikaw ang nais kong kausap, pero hanggang dito pa lamang ako dahil hindi pa kita nakikita at nahahagkan.

Kay tagal naman na iyong pagdating mahal..

Pero sa ngayon ay may paulit ulit na naglalaro saking isipan. Ang nagiisang tanong na hindi ko mapahiwatig kanino man. Iisang tanong na hindi ko masagot ng deretsahan.

Ano nga ba ang kinakatakutan ko?

Bukod sa mga insekto, at mga multong di maipaliwanag, ano nga ba ang kinakatakutan ko? Kung tatanungin mo ko niyan, ay paniguradong hindi ko alam ang isasagot ko.

Maaaring hindi pala iyon, na hindi ko alam ang kinakatakutan ko, dahil ang buong akala ko alam ko na ang buong kong pagkatao. Hindi pa pala.

Napapaisip tuloy ako, anong kinakatakutan mo?

Ano kaya ang takot na bumabagabag sayo mahal? Yung tipong ayaw mo nang maranasan kailan man. Sana kahit ano man yon, payagan mo kong samahan kang harapin yon.

Dahil handa akong tumaya muli para sayo, handa akong mahalin ka.

Nang buong buo.

Biyaya. • blessing •Where stories live. Discover now