Mahal, ako'y may katanungan sayo, at sana siya ay maintindihan mo.Mahirap, dahil sa kahit ano mang pagkakataon ay mahihirapan ka. Dahil siya ay mahirap mahalin, maraming gumugulo sa kanyang isipan. Maraming naglalarong mga katanungan na siya mismo ay hindi niya malutasan.
Kaya sana siya ay iyong pagpasensyahan, dahil hindi siya madaling maging tahanan.
Minsan, maaaring madalas man, ika'y mapapagod sa kanyang ugali't pakikisama. Madalas siyang may pangangailangan sa atensyon, dahil iyon ang klase ng tao meron siya.
Pero, ang mapapangako niya sayo'y higit pa sa sapat. Maaari man siyang magkulang, pero asahan mong pupunuin niya ang pagkukulang na iyon sa susunod na mga araw.
Dahil mahal, ikaw ang mahal niya.
Oo ikaw ang mahal ko, ang tangi kong mahal.
Kaya't sana wag kang magsawang mahalin ako, dahil hinding hindi din naman ako magsasawang mahalin ka. Kahit pa sa anong panahon, sa kahit anong pagkakataon.
Mananatili kang buhay ko.
Kaya mahal, handa mo ba akong samahang lumaban?
YOU ARE READING
Biyaya. • blessing •
Randomthis is not a story. this is a book for my future lover, the person I prayed for would come into my life someday. From the day I wrote this book, I promised myself that I'll wait for my God-given person and not find anyone. This is my waiting game...