Heto nanaman ako. Balisa at nagiisip tungkol sayo. Alam kung mali pero heto nanaman ako, ginagawa kang paksa ng buhay ko at ng kwentong ito. Hindi man dapat pero eto lang ang sigurado ako.
Sa bawat oras, ikaw pa din ang laman ng puso ko.
Sana'y masaya ka, dahil iyon lang naman ang hinihiling ko. Na sa bawat dalangin ko, ay iniisip ko na sana ay ikaw at ako pa din hanggang ngayon.
Pero sadyang malupit ang mundo.
Hindi man tayo, muling magtagpo. Tulad sa paborito nating awit ay sasabihin kong "maghihintay ako kahit kailan, kahit na umabot man akong nasa langit na"
Hindi man sigurado, hindi alam ang tadhanang meron tayo. Pero sana'y ako pa din ang tibok ng puso mo. Alam kong mali, pero ikaw pa din ang mahal ko.
At pagmamahal mo lang ang hinahanap nito.
Mahal, masaya ako para sayo. At sana'y masaya ka din sa mga nagagawa ko. Sa ngayon hayaan mo muna akong buuin ang sarili. Nang sa ganon hindi na muli akong magkakamali.
Nang sa ganon ang pagmamahal ko sayo'y hindi na masakit.
YOU ARE READING
Biyaya. • blessing •
Randomthis is not a story. this is a book for my future lover, the person I prayed for would come into my life someday. From the day I wrote this book, I promised myself that I'll wait for my God-given person and not find anyone. This is my waiting game...