ika-labing pitong pahina

1 0 0
                                    


Sinta, ang biyaya sa aking buhay. Ang taong bigay sakin ng Diyos. Ang bumuo ng pagmamahal na tunay at walang makakapantay. Ang nais kong makasama sa panghabang buhay.

Hindi ako yung tipo ng tao na aobrang dali mong makakasundo sa lahat ng bagay. Madami akong pangamba, mga takot na bumabalot saking puso.

Pero ikaw ang nagpapalisan ng mga ito.

Oo ikaw, dahil ikaw lang ang tahanang nais kong pahingahan sa buong buhay ko. Sa nakakapagod na mundong to, ang iyong mga bisig lang ang nais kong maramdaman at hagkan.

At ang 'yong mga tinig ang mag papatahan sa ingay sa aking isipan.

Marami akong iniisip na hindi naman dapat, mga bagay na hinihiling ko na sana hindi ko nalang nararamdaman, pero wala e ramdam ko padin ang sakit.

Kaya't sana'y manatili ka, kung hindi man, sana'y hintayin mo muling maghilom ang puso kong napapagal at nangangamba. Dahil wala namang ibang nais tong mahalin kundi ikaw lang.

Dahil hindi ko kayang lumaban ng mag-isa lang.

Ang labang ito, dalawa nating binuo. Dalawa din tayong nangako, na atin itong ipapanalo. At aabutin natin ang panalong ito ng magkasama tayo, dahil sa Diyos ako ay may pangako.

Na hinding hindi ko iiwan ang labang to.

Biyaya. • blessing •Where stories live. Discover now