ika - labing dalawang pahina

1 0 0
                                    


Heto ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung saan nabuo natin muli ang tayo. Na gigising ako sa bawat araw na mayroong ikaw at ako. At muli kong maririnig ang tinig mo.

Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito.

Ang panahon at tagpo kung saan kaya ko muling sumaya na walang pangamba. Kaya kong lumigaya na ikaw naman ang kasama. Na kaya ko ng sabihin ang salitang mahal kita.

Siguro nga hindi pa normal ang mundo sa ating dalawa. May mga dapat pa tayong harapin, mga daan na tatahakin. Tila nga isa itong mahabang paglalakbay pa para maging masaya ang mayroon satin.

Pero ito ay sabay na nating tatahakin.

Magulo ang mundo, minsan hindi na natin ito pinakikielaman. Nasanay na tayo sa gantong usapan, pero ikaw at ako ay magbabago ito'y atin pang patatatagin at mapaghuhusayan.

Hindi lang naman ito ang ating problemang lalampasan. Maraming pagsubok pa ang ating gagawan ng paraan, pero sa lahat ng yon asahan mong hindi na kita bibitawan,

Dahil ang pinaka pagkakamali ko ay 'yong ika'y iwan.

Kaya't ako ay sayo ay mananatili, kung saan kita unang pinili, at alam mo ba kung saan yon? Dito yon, sa puso kong ikaw lang ang mamahalin.

Biyaya. • blessing •Where stories live. Discover now