ika-labing apat na pahina

1 0 0
                                    


Araw-araw, buwan-buwan, at taon-taon kong hinihiling na sana tayo nalang ang magkasama sa habang panahon. Hindi ko naman inasaahan na ganto ka lubak ang ating dadaanan, ganto ka hirap ang bawat hakbang patungo sa usapang patutunguhan.

Pero isang daan pa din ang ating nilalakaran.

Malayo layo na ang naabot natin mahal, malayo na sa panahon kung saan tayo unang nagkatuluyan, at sa panahon nung una tayong nagkasakitan.

Nandito na tayo, kung saan nilalaban ang ikaw at ako. Kasama ang Diyos na gagabay sa landas natin at sa bawat hakbang magkadikit ang ating mga palad.

Dahil sinta, ito ang patungo sa ating ligaya.

Mahaba haba man ang lalakbayin, asahan mong ikaw lang ang gustong makapiling. Sa dulo nito, sa dulo ng hangganan, ikaw lang ang nais na nasa tabi ko

Wala na ngang ibang makakahigit pa, sa dala mong saya, sa dala mong pagmamahal. Ikaw na yon, ikaw na ang hinihintay ko sa aking buhay.

Dahil sinta, ikaw lang ang ka tangi tangi.

Hindi ko ito maipaliwanag, o hindi ko man maparamdam ito oras oras sa bawat araw, asahan mong ikaw lang ang nagiisa.

Mahal kita, mahal pa sa mahal.

Biyaya. • blessing •Where stories live. Discover now