ika - labing walong pahina

1 0 0
                                    


Oras, ang patuloy na tumatakbo at hindi na natin namamalayan. Na tila'y isang karera na sa bawat araw ito'y dapat nating pahalagahan. Ngunit ang bagay na ito'y humihinto sa segundo na ika'y kasama't pinagmamasdan.

Ang oras na sana'y hindi na ipagkait satin ng mundo.

Sa puntong mabasa mo to, sana'y tayo ay masaya't malaya. Na hindi nagtatago, at ginagawang lihim ang bawat sandali. Sana sa araw na ito, narito ka na sa mga yakap ko. Dahil ito ang sandali, kung saan magiging maligaya na ang tayo.

Kaya't hindi ko sasayangin ang bawat oras at minutong nakikita't nakakasama ka. Dahil magiging bahagi ito ng mga ala-alang binubuo natin. Hindi dahil mawawala tayo sa isa't isa, pero para ipaalala satin kung gaano natin pinaghirapan ang tayo para lamang sumaya.

At mababalikan natin ito sa darating na panahon.

Ang oras, araw at buwan ay madali lamang lumipas. Madalas nga'y hindi na natin ito namamalayan. Pero sa paglipas nito, ay masaya ko itong dadalhin hanggang sa mga panaginip ko.

Dahil ang mga ito ay wala nang katumbas na kahit ano pang ligaya.

Pero hindi rin ito nagtatagal, maari tayong mapagal ngunit sa pag haba ng panahon ikaw parin ang mahal.

Biyaya. • blessing •Where stories live. Discover now