ika - siyam na pahina

1 0 0
                                    

Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Sa lahat ng dumating ikaw ang pinaka magandang nangyari sa linggong to. Ginagawa mo ulit na espesyal ang bawat araw ko. At sobrang nagpapasalamat ako sayo.

Dahil sa pagdating mo, hindi na ko nangangambang mag-isa ako. Hindi ko na muli sinasabi sa sarili kong kaya ko to mag-isa, dahil sinasabi ko nang kaya ko to kasi kasama kita.

Mahal ikaw ang katangi-tangi.

Nais kong malaman mo na sobrang saya ko at sa daming beses kong nasabing ayoko na, ay patuloy pa rin akong bumabalik at umuuwi sayo.

Dahil mahal, ikaw lang ang nais na maging tahanan ko.

Sa tagal nating nagkahiwalay, ay napaisip akong tama ang naging desisyon natin noon, hindi man natin nakayanang ipaglaban iyon. Naging rason naman ito upang maging matatag tayo ngayon.

Sa pagsilay ng bawat umaga, ay tila bagong bersyon mo na ang nakikita ko. Na parang mamahalin muli kita tulad ng kung paano tayo nagsimula.

Wala akong maisip na mga salita para masabi ko ang nararamdaman ko, pero isa lang ang tinitibok at sinisigaw nito. Na mensahe para lamang sayo

Ito ay ang salitang mahal kita, higit pa sa mahal.

Biyaya. • blessing •Where stories live. Discover now