Six - Friends

215 8 1
                                    

Gabriella


"Gabby." Nagising ako dahil sa tawag ni Yaya Bing sakin. Ghaaaaad ang sakit ng ulo ko. Ganito talaga ang nangyayari everytime na naglalasing ako. Hindi ko naman akalain na magiging wasted ako.


Bumangon muna ako and napatingin ako. Nandito pala si Jannelle. Paano na ba kaming dalawa nakauwi? If I'm not mistaken, lasing na lasing din si Jannelle.


Binuksan ko naman ang pinto and it revealed Yaya Bing.


"Gabby, may naghahanap sayo sa labas." Sabi ni Yaya and I just nodded. I don't have enough energy to talk.


Dumeretso na agad ako sa baba. Hilong-hilo talaga ako. Buti na lang, wala kaming classes today kundi, baka hindi na ako makakapasok. Dumeretso na agad ako sa gate namin pero likod pa lang, kilala ko nan agad kung sino ang nandito sa bahay namin-- ang bisita.


"Matthew." Tawag ko sa kanya. In fairness, hindi siya mukhang hang-over. Baka hindi gaano nakainom si Matthew kagabi. Besides, party yon ng kapatid niya kaya naman mas okay nga kung bisita muna ang aalagaan nila.


"Nandito lang ako para ihatid tong phone mo sayo." And he handed me my phone. Hindi ako nakapagsalita. See? Dahil sa kalasingan ko, hindi ko na namalayang hindi ko nadala ang phone ko.


"Thank you. San ko nga pala naiwan?" I asked him.


"Sa kwarto ko." Nandilat naman ako sa sinabi niya. Anong k-k-wart-o-o?


"Relax, Gabriella. Hindi mo ba naaalala na nasa kwarto ko lahat ng gamit niyo last night?" Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya. Oo nga pala. I totally forgot na inilagay ko pa yung bag ko beside Jannelle's bag.


"Ah, yah. Thank you ulit." Sabi ko and papasok na sana ako bigla kong naalala, ang rude naman if I won't ask him to come in kaya naman tumingin ulit ako sa kanya.


"Come in." Sabi ko then tumango lang siya and dere-deretso pumasok. Wait, I was just being polite. And talagang pumasok siya, ha.


"Anyways, have a sit. Ikukuha lang kita ng maiinom. Ano bang gusto mo? Tea, coffee--"


"I haven't eaten breakfast." Hindi agad ako nakapagsalita. As far as I know, hindi naman kami oh so close para mag-act siya like-- whatever.


Tumango na lang ako and dumeretso sa kitchen. Medyo nagugutom na rin ako. I can still remember na wala akong kain masyado last night and uminom lang talaga kami.



"Ya, may food na po ba tayo?" And she nodded. Naghanda na siya ng pagkain namin and tinulungan ko si Yaya Bing. Maybe, this is also my way of avoiding Matthew. I still have feelings for him naman kahit na nag-eentertain na ako ng iba.


After a few minutes, natapos na kami sa paghahain ni Yaya Bing and tatawagin ko na sana si Matthew when Yaya spoke.

The Guy Who Doesn't Like MeWhere stories live. Discover now