Nineteen - Mr. & Ms. Uni

146 7 0
                                    


Gabriella


"Grabe naman talaga. Ang gaganda at ang gugwapo ng mga contestant natin ngayon. Talagang pinaghandaan ng ating mga graduating students ang pageant na ito. What can you say, our Reigning Ms. Uni, Gabriella Amor?" Emcee.


"Well, first of all, good evening to everyone, and on behalf of Matthew, we wanna thank you all for your support for us every year and for 4 years we really had a blast. And Mr. Kiz, our emcee, thank you so much for making us a part of this and wala akong masabi sa mga contestants ngayon. They all look prepared and beautiful. I know it's gonna be tough for us to decide but yah, good luck to everyone." I said.


"We also had a blast, Queen. How about our King, Mr. Matthew Sebastian." Kinuha naman ni Matthew yung mic ko. Yung scores kasi samin is magkasama na.


"Well, Mr. Kiz I really don't know what to say especially friends namin silang lahat." And nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Matthew.


"But all I can say is that it makes me so proud seeing them in this pageant kasi we all know naman na kami talaga ni Gabby lang ang inilalaban and for 4 years, and akala ko I won't get the chance to feel what they're feeling everytime na lalaban kami ni Gabby, and also I'm speaking for Gabby kasi kanina pa namin pinag-uusapan how proud we are sa mga blockmates namin. Now, gusto ko lang din sila i-good luck. Good luck, blockmates and ngayon pa lang, cino-congratulate na namin kayo ni Gabby kasi ang gaganda agad ng performances niyo and for 4 years na pagsupport niyo sa amin, thank you and now let me and Gabby support you guys. Good luck sa inyong lahat." And ibinaba na ni Matthew ang mic and look at me and smiled so I did too.


"Thank you, Matthew and Gabby. Ladies and gentlemen, once again, our Reigning King and Queen, Mr. Matthew Sebastian and Ms. Gabriella Sebas-- oops." Nagtawanan naman ang lahat pati kami ni Matthew natawa sa mistake ni Mr. Kiz.


"Sorry, hindi pa nga pala sila umaamin." And mas natawa naman ang lahat. Nagkatinginan naman kami ni Matthew and natawa na lang din kami.


"Hintayin na lang natin pumasok dito sa university yung anak nila para may proof na talaga tayo." Walang humpay na tawanan at asaran ang nakuha namin sa lahat kahit sa co-judges namin na mga prof din namin.


"Anyway, ladies and gentlemen, we've reached our Sports attire kaya naman let's give it up to our candidates!" 


Isa-isang rumampa nanaman ang blockmates namin and eto talaga ang mahirap e. Magdedepende talaga kami ni Matthew sa kung paano nila ipepresent yung attires kasi yung iba, pare-pareho. Like, may horse backriding, fencing, and other sports.


"Ang hirap naman mamili." Bulong ni Matthew sakin and I agree. Okay lang sana if may respective attires sila hindi yung may mga nagkakapareho. It makes much harder kung may kaparehas.


"Pair no. 9, Jannelle Reyes and Matt Sta. Cruz." Lumabas naman sila Jannelle and Matt para irampa ang sports attire nilang dalawa. I must say, sila ang 5th to the last na pair but sila pa lang ang naiiba. And nagulat ako dahil their attre blew up the heat. Jannelle is wearing this sexy rushguard while Matt is wearing his trunks that reveals his flexed bod.

The Guy Who Doesn't Like MeWhere stories live. Discover now