The Guy Who Loves Me

230 7 0
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO (BOOK 1 FINALE)



3 years later...


Matthew


It's been 3 years and hindi pa rin nakakauwi si Gabby. 3 years is like 30 years sakin. I'm 26 and Gabby's 25 years old. The last time na nagkita kami is noong galing pa siyang hospital.


The 1st year without Gabby was just fine. Lagi kaming magka-facetime. Nagdi-discord din kami kasama friends niya and nanonood ng movie kahit nasa hospital siya. Inikot niya rin kami sa hospital suite niya and parang condo lang. Ang kaibahan, nakadextrose siya. 


The 1st year was hard but manageable. We call each other all the time no matter what time it is. 12 hrs behind siya sakin but I don't mind. Kaya kong i-sacrifice ang pagtulog ko para lang makausap nang ayos si Gabby. But this happened, eventually.


Sa 2nd year namin apart, naging bihira na lang ang pag-uusap namin. Nagkasakit din kasi ako. Over-fatigue and almost a month akong nasa hospital dahil daw kulang na kulang ako sa tulog. Doon mas naging considerate si Gabby. Talagang binibilang niya ang oras para makatulog ako kaya sobrang kakaunti lang ang oras namin together kasi the 2nd year apart din, I started working sa family business namin. Sinabi ko kay Gabby ang balak ko na magtayo ng sariling business after maka-ipon from working at our own company. Ayako naman na kumita ako dahil lang sa ako ang anak ng may-ari. And dream din namin ni Gabby to stand up on our own. Unfortunately for her, medyo mala-late ng kaunti.


Our 2nd year apart was harder and it became much harder for both of us. She has undergone 2 different surgeries- heart surgeries. Ilang beses ko na ring pinag-isipan na puntahan siya but she always refuses. Nung isang beses naman, pupunta na sana ako but si Jannelle na mismo ang pumigil sakin kahit nakabili na ako ng ticket. Alam ko namang inutusan na ni Gabby si Jannelle to look for me always. Knowing Gabby.


And now, 3 years na ang nakalipas. Etong year na ito ang pinakamahirap. It's already February 7 and my birthday's in 3 days pero she hasn't contacted me yet. It's been 7 months since the last time na nagreply siya sakin and the last reply na sinabi niya is 'I'll be back'. Hanggang ngayon, pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi niya kahit almost a year na kaming di nakakapag-usap.


Nakakahina pa dahil wala manlang kaming proper label noong naghiwalay kami. We tell everyone na kami na but it'snot enough. We have to be together literally. But hindi ko alam kung bakit until now, hindi siya nagrereply sakin. Ni hindi niya sinasagot ang tawag ko. Feeling ko, she changed her number but how could she just leave me like that? And we promised each other na kami forever. And I promised to wait for her.


"Sir, tawag po kayo ni Ma'am Jannelle." Sabi ng secretary ko and I just nodded. Ang connection namin ni Jannelle ay hindi nawala. Parehas kaming naghihintay sa pag-uwi ni Gabby pero parang sakin lang, hindi na rin nagparamdam si Gabby sa kanya.




Jannelle


"Alam naman natin ang address ni Gabby. Why don't we just come to her? I'm sure matutuwa siya. And ayako namang hintayin lang siya. I badly wanna see her. I missed her dearly." Sabi ni Matthew and I just smiled weakly. Hanga talaga ako sa taong ito. 3 years niyang hinintay si Gabby and he's still here, waiting kahit na hindi na siya kinakausap ni Gabby.

The Guy Who Doesn't Like MeWhere stories live. Discover now