Gabriella
"Guys, sila Gabby and Matt lang ang nakakasunod nang ayos sa prod." Sabi ni Ma'am Lorraine. Siya rin kasi ang nagtuturo samin.
Nagstart na kami magpractice for our upcoming pre-pageant and hindi lang basta pagmomodel ang gagawin namin. May production number pa and may introduction pa.
"Ma'am, parehas naman kasing nasayaw yang dalawang yan." Sabi ni Jannelle and nagtawanan naman lahat. Kanina pa kasi nagrereklamo si Jannelle. Hindi rin kasi siya sanay magsuot ng heels e ngayon, nakasuot kami ng heels and required iyon.
"Plus, nagpapageant na naman talaga si Gabby ever since. Si Gabby and si Matthew ang laging representative natin e." Sabi ng isa naming blockmate, Totoo naman ang sinabi niya. Everytime na kailangan ng representative, since 1st year kami, kami ni Matthew ang pinapanlaban. Yun din ang reason kung bakit ako mas nadevelop kay Matthew. Akala ko naman mapapansin niya na ako because of that pero hindi. Hindi pa rin siya nawawalan ng girlfriend noon pa man.
"Ba't kasi kailangan pa ng ganito? Ba't hindi na lang si Matthew and Gabby ulit ipambato natin?" Napatingin naman ako kay Jannelle. Nagulat ako sa sinabi niya. Really, sis? After kong i-reject maging partner si Matthew, ipiprisinta mo kami?
Nagkatinginan din kami ni Jannelle and ngumiti siya sakin. Ewan ko ba sa babaeng ito. Before, ayaw na ayaw niya na sumusunod ako kay Matthew but now, sa kanya mismo nanggagaling yung mga ganong salita.
"Matthew and Gabby nanaman? Nakakasawa na. Why not Matt and Gabby?" Nagulat naman ako sa suggestion ni Lizelle. Marami namang nagsabi na 'pwede-pwede' and marami rin ang nag-agree agad.
"Hindi pwedeng sila Matthew and Gabby lang. HIndi rin naman pwedeng si Gabby and Matt lang. Graded to kaya you guys should know na dito kukunin ang grade niyo sa performance task kaya wag na kayong magreklamo. OKay, from the top." Sabi ni Ma'am Lorraine and sumunod na lang ulit ang lahat. Hindi na sila nagreklamo pa.
Habang naka-line kami, waiting for our turns para magmodel, nahuli kong nakatingin nanaman sakin si Matthew but this time, he smiled. Hindi naman siguro masama if I smile back so I did. I smiled back. Bigla naman akong napatingin kay Matt and he's smiling too. Akala niya siguro, sa kanya ako nangiti dahil magkasunod lang naman kami na rarampa, Bale nasa unahan namin sila Matthew and Michelle.
"Flirt." Narinig kong sabi ni Michelle pero hindi na lang ako nagreact and sakto rin naman kasi na silang dalawa ni Matthew ang rarampa. But before sila magramp, Matthew look at me once again and smiled at me at hindi lang yon. Kinindatan pa ako. Nandilat ang mga mata ko when he did that and tiningnan ko ang paligid kung may mga nakatingin ba but luckily, wala naman. Kinabahan naman ako don. Matthew talaga!
After the jealousy incident, hindi na kami masyadong nagkausap in person ni Matthew although nagkikita kami sa room. Though hindi na naman cold ang tingin niya sakin.
"I am Matthew Sebastian, 23 from Laguna." Narinig kong pagpapakilala ni Matthew it means malapit na kaming magramp ni Matt. Tumingin ako kay Matt and he's currently looking at me na. He smiled at me and he nodded as a queue na kailangan na namin rumampa.
YOU ARE READING
The Guy Who Doesn't Like Me
Fanfiction"I've always wanted him to look at me. But he doesn't want to." - Gabriella Amor "I can't stand her." - Matthew Sebastian