Matthew
"Sir, natawagan na po namin ang parents niya. Unofrtunately, nasa Europe po pala. So bilin na bilin po samin na ikaw po ang magcontact sa kanila. Iniwanan po nila yung phone number nila. Tawagan niyo na lang po." Sabi ng nurse na nag-alaga kay Gabby. Tumango na lang ako.
"Matthew!" Napatingin ako sa sumigaw and it's Jannelle.
"Eto susi mo. Kamusta na raw si Gabby?" Hindi ko akalaing hindi ako makakasagot at maiiyak na lang ako.
"Ba't di niyo pinaalam na may sakit pala siya?" Hindi agad nakasagot si Jannelle at umupo muna sa tabi ko.
"Matthew, siguro dapat kay--"
"At paano ka naman nakakasigurado na magigising pa si Gabby? Pagkatapos ng ginawa ng Matt na yon? I will never forgive him pag may nangyaring masama kay Gabby." Sa totoo lang, gusto kong suntukin ang pader ngayon. Substitute kay Matt pero anong magagawa non? E nasa hospital bed pa rin si Gabby at hindi pa nagigising.
"Matthew, have faith. Fighter yang si Gabby alam mo naman." And napaiyak na lang ulit ako. I should've known.
"Kung alam ko lang, hindi na sana ako nagsayang pa ng oras para saming dalawa. Sana una pa lang--" Hindi ko naman alam kung itutuloy ko ang sentence ko dahil gusto ko sana si Gabby ang unang makaalam.
"Sana una pa lang, nagtake ka na ng risk na aminin kay Gabby ang lahat despite sa narinig mo sa pool noong 1st year tayo." Napatingin naman ako kay Jannelle. Gulat ang naramdaman ko. Paano niya--
"Paano ko nalaman? Matthew, sabi ni Gabby sakin, alam mo raw na may code kami ni Gabby dahil observant ka. You should know na observant din ako. Alam kong may feelings ka talaga sa una pa lang." Hindi ako nakasagot.
"And narinig ko kayo noon nila Paolo nung last swimming natin kaya wala ka nang maitatago pa sakin. Ang tanong ko lang, ba't nung umamin si Gabby, di mo na lang siya pinatulan agad? Saka ang babaw mo naman. Sinabi niya lang na hindi siya magkakagusto especially sayo, sumuko ka na agad? Bakit? Yun ba ang pinaparamdam sayo ni Gabby sayo noong close kayo? Pinaramdam niya ba sayo na hanggang kaibigan ka lang talaga?" I know it's my fault too. And now, sobrang pinanghihinayangan ko yung mga oras na nawala sa amin. Kung alam ko lang talaga na mangyayari to at may sakit siya, sana di na ako nagsayang ng oras.
"Una pa lang, Matthew. Umpisa pa lang, in love na siya sayo. May pagka in denial siya but action speaks louder than words. She loves yoiu from the very beginning. And last year, kaya siya umamin sayo kasi last year, nalaman niya na may sakit nga siya. Actually, maski sakin di niya sinabi pero sabi ko nga, observant ako at best friend ko si Gabby. Hindi lang yon. Kapatid na ang turing ko sa kanya. Pero naiintindihan ko ba't niya tinago. It's because gusto niya, magustuhan mo siya hindi lang dahil may sakit siya. She wants you to love her despite and in spite all of that. And di niya sinabi sakin dahil alam niyang gagawa ako ng way for you guys. Pero I respected her decision na manahimik." Hindi ako makapagsalita. Bakit sa ganitong panahon ko pa nalaman lahat nang yon? Bakit hindi ko agad nalaman? Bakit ako nagbulag-bulagan? Bakit ako nagsayang ng panahon?
YOU ARE READING
The Guy Who Doesn't Like Me
Fanfiction"I've always wanted him to look at me. But he doesn't want to." - Gabriella Amor "I can't stand her." - Matthew Sebastian