Gabriella
It has been a crazy day. Napakarami pa rin naming ginawa.
Nag-inat ako saglit and nagulat naman ako nakatingin sakin si Matt. Para tuloy akong naconscious.
"Oh, ba't mo tinigil?" He asked. Hindi naman ako masyadong makatingin sa kanya. Kasi naman, to the highest level narating ng kamay ko sa pag-inat ko.
"Ba't ka ba kasi nakatingin?" Natatawa kong tanong. Umiling lang siya and nakangiti sakin.
"By the way, guys. Birthday ngayon ng sister ko. Pwede kayo pumunta." Napatingin naman kaming lahat kay Matthew. What just happened?
Nag-imbita ba talaga si Matthew?
The past few days, sobrang nahihiwagaan na ako kay Matthew. All those things na ginawa niya, mga pagtitig niya, and pagssmirk niya sakin. And now, nag-invite siya sa bahay nila? What the heck's happening with this guy?
"Sama tayong lahat!" Sigaw ni Paolo pero nakatingin siya sakin. Umiwas ako ng tingin. Ayako sumama. Mahirap pa rin sakin ang iwasan si Matthew kaya naman I'm doing everything I could para lang maiwasan siya at mabaling ang tingin ko kay Matt. Ayako nang maging marupok at sunod-sunuran.
"Pass ako." I said and kinuha na agad ang bag ko. Aalis na sana ako when someone grabbed my arm. Pagtingin ko, it was Paolo.
"Anong pass? E sama nga lahat e." Pangungulit sakin ni Paolo. I faked a smile and inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"E hindi naman ako obligated pumunta. Saka medyo busy din." I said and naglakad na ako pero bago pa man din ako makalabas ng room....
"Sumama ka na." Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit naman pinapasunod at iniiwasan niya ako dati, alam na alam ko pa rin ang tono ng boses niya.
"Busy ako." Hindi na ako naglook back pa at umalis na ako nang tuluyan.
Binilisan ko ang paglalakad. Kasing bilis nito ang pagtibok ng puso ko. How could he do that to me? Hindi ko akalaing gaganituhin niya ako. Kung kelan naman decided na decided na ako na magmove on, saka naman siya nagkakaganyan.
Patuloy lang ako sa paglalakad nang bigla akong may naalala.
WALA NGA PALA AKONG DALANG CAR!!!
Well, madali lang naman magcommute. Pwede naman ako pumara ng taxi or grab. Itetext ko na lang si Matt na umuna na ako pauwi.
Honestly, nawala sa utak ko na sabay nga pala kami ni Matt kakaiwas kay Matthew at dun sa pag-iinvite niya. I don't think tama kasi. Hindi ko naman kasi mabasa talaga ang nasa isip ni Matthew. He ignored me a million times when I was begging for his attention. And now that I'm moving forward, he keeps on getting on my way. Ano ba talagang problema ng lalaking yon?
Habang naghihintay ng grab, nagtext naman sakin si Jannelle.
From: Jannelle
Ba't ka di talaga sasama? Siguro because of Matthew pa rin no? Sumama ka na! Mukha namang okay kayo ni Matt ah?
To: Jannelle
Marami lang talaga akong gagawin.
From: Jannelle
Sis, what's happening ba talaga? Alam kong wala kang gagawin.
Gustong-gusto kong sabihin sa kanya lahat kaya siguro tatawagan ko siya. As soon as I kept my phone, dumating naman ang grab ko.
YOU ARE READING
The Guy Who Doesn't Like Me
Fanfic"I've always wanted him to look at me. But he doesn't want to." - Gabriella Amor "I can't stand her." - Matthew Sebastian