Gabriella
Nandito ako ngayon sa room ko. May classes but wala akong kagana-gana. Iniisip ko pa rin kasi yung nangyari 2 days ago. Kahit na napasaya ako ni Matt after kong umiyak, pag-uwi ko, umiyak pa rin naman ako.
It's Matthew.
I've loved him since I was old enough to fall in love. I did everything para mapansin niya ako but instead, I was left with a broken heart. Sobrang masakit ang nakita at narinig ko sa kanya. A part of me doesn't wanna believe na seryoso talaga siya kay Michelle. Syempre pride ko ang nagsasabi non. How could he easily like her when I was the one who's throwing myself at him? Ang tingin niya ba sakin is easy to get? Kaya ba ayaw niya sakin?
*knocking*
"Gabby, may naghahanap sayo." Narinig ko na sabi ni Yaya Bing as she knocked on my door.
"Okay po." Sagot ko and I stood up and fixed myself. Sa 2 days na yon, 2 days din akong di pumasok. Mugto pa rin ang mga mata ko kaya naman I decided to wash my face first and mag-ayos nang kaunti. Nakakahiya naman kung makikita akong ganito ng kung sino man.
After that, I wore my glasses para naman hindi masyadong mahalata ang mga mata ko na halatang galit sa ilang araw na iyak.
Bumaba na ako para salubungin kung sino mang bisita ko sa may gate pero wala naman. Ano bang sinasabi ni Yaya Bing e wala namang tao?
"Ya, wala naman pong--"
"Hi, Gabby. Good morning!" Nagulat ako sa lalaking nakatayo sa may dining area namin.
"Matt, what brings you here?" I asked and inilapag naman niya sa table yung pagkain na dala niya.
"2 days ka nang di napasok and nag-aalala na mga prof at blockmates natin sayo." Sabi niya sakin. Napahinto naman ako. Pati kaya si--
"Hindi siya kasama sa nag-aalala. Wala na silang ginawa ni Michelle kundi magkiss kapag walang prof." Straight-forward din pala si Matt kagaya ni Jannelle. I sighed. Ano pa nga ba ang magagawa ko, diba? And halata naman na may ginagawa talaga silang hindi ko gustong malaman.
I sat down and he did too. Ambango naman ng niluto na to. Natakam talaga ako bigla. Halos 2 days din akong walang ganang kumain pero sobrang irresistible ng pagkaing nasa harapan ko. I took one big bite and hindi talaga ako nagsisi na tumikim ako.
"Uhmm... ang sarap naman ng luto mo, Ya." I said and napatawa naman si Matt. Napatingin naman ako sa kanya nang may halong pagtataka. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Ako ang nagluto nan. Actually, dinala ko yan for you." Sabi ni Matt na ikinagulat ko naman. Napatingin ako kay Yaya Bing and tumango siya saying na si Matt nga ang may dala ng pagkain.
"Wow, magaling ka pala magluto?" Tanong ko sa kanya and napatawa nanaman siya.
"Halatang focus ka talaga kay Matthew, ah." Sabi niya sakin. Kumunot naman ang noo ko.
"Every event, gathering, or kahit anong cine-celebrate natin ng blockmates natin, ako ang laging cook. Lagi nga kitang naririnig na nasasarapan sa luto ko pero hindi ko akalain na hindi mo alam na ako ang nagluto." Sabi niya sakin. My mouth parted. Tama naman kasi siya. Ang focus ko ay nakay Matthew kaya naman hindi ko alam na siya pala ang laging cook namin. I smiled forcely and nag-peace sign sa kanya.
"Okay lang yon. Now you know, diba?" Sabi niya sakin and I nodded.
After eating for like 30 minutes, I decided na umakyat na ulit para mag-ayos na. Sabay kaming papasok and yah, napilit ako ni Matt na pumasok na ulit. Noong una ay ayaw ko pa pero eventually, napilit niya rin ako.
YOU ARE READING
The Guy Who Doesn't Like Me
Fanfic"I've always wanted him to look at me. But he doesn't want to." - Gabriella Amor "I can't stand her." - Matthew Sebastian