Gabriella
"So, talagang sumusunod ka sakin before? As in sunod talaga?" Tanong sakin ni Matthew. Well, na-open kasi yung topic noong mga panahong nasunod talaga ako sa kanya.
"Hay, nako. Too much info ka na." Sabi ko sa kanya and I took a bite sa hinanda na snack ni Yaya Bing.
"Why not? Masaya i-look back ang mga memories." Sabi niya sakin and kumunot naman ang noo ko.
"Anong masayang i-look back? Napapahiya na nga ako before." Sabi ko sa kanya and unti-unting nagfade ang smile niya. Nakatitig lang siya straightly sa mga mata ko and ako naman, nalunod nanaman sa mga titig niya.
"Are you moved on?"
Matthew
"Are you moved on?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko yan kay Gabby. Halata namang ikinagulat niya ang sinabi ko. Well, who would've thought na sasabihin ko sa kanya at itatanong ang mga ganyang bagay. I ignored her for a whole year and now, I have the audacity to ask.
Nakatitig pa rin siya sa mga mata ko. Ayako namang sirain ang mood na ito dahil dito ko lang nafifeel na may chance pa kami ni Gabby. Dito lang kami nagcoconnect and kung sisirain ko ang mood, mawawala ang moment naming dalawa at the same time, magiging awkward. Pero gustong-gusto na bumukas ng labi ko at sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. I feel like this is a great time to tell her everything- from the beginning until now.
"I--"
"Juice, guys." Natauhan naman kaming dalawa ni Gabby nang dumating si Yaya Bing. Parang buzzer beat din yon bago ako umamin sa kanya. Sumulyap naman ako kay Gabby and she's currently looking down habang hawak ang mukha niya.
"Orange juice na lang, ha. Wag na soft drinks kasi di healthy yon." Sabi ni Yaya Bing and umalis na. Si Gabby naman, still looking down. Mukhang iniisip niya talaga kung anong sunod niyang sasabihin.
"Gabby, juice?" Alok ko sa kanya and she looked at me. Kakaiba ang tingin na iyon. Parang nanghihinayang na naaawa ang tingin niya. Mukhang di ko magugustuhan ang sasabihin ni Gabby kaya naman I have to do something para makalimutan iyon.
"Gabby, wag ka masyadong sumimangot." Sabi ko sa kanya and nagtaka naman siya.
"Nasimangot din cheeks mo e." I said and fake a laugh. Napahawak ulit siya sa face niya and tinawanan ko naman siya. Natawa na rin siya.
"Ang sama mo!" Sabi niya and mas nagtawanan pa kami. Well, kahit na ayakong maconscious siya, I mean, don't get me wrong. Ang ganda-ganda ni Gabby and yung chubby cheeks niya talaga ang isa sa nagdadala ng ganda niya but if di ko sabihin yon, baka nabusted na rin ako. Busted Queen pa naman itong si Gabby. Lahat na lang binusted before and alam kong dahil sakin yon. Pero ngayon, maski ako natatakot na na baka mabusted niya rin ako, especially may manliligaw na rin siya ngayon.
YOU ARE READING
The Guy Who Doesn't Like Me
Fanfiction"I've always wanted him to look at me. But he doesn't want to." - Gabriella Amor "I can't stand her." - Matthew Sebastian