Gabriella
Since Matthew took me home, I asked him na dito na rin magdinner sa bahay.
Habang nakain kami, nabalot naman kami ng katahimikan. Si Yaya Bing naman, mas piniling iwanan muna kami ni Matthew.
Habang nakain kami, naalala ko nanaman yung nangyari kanina. Sa totoo lang, wala sa isip ko na pansin ng lahat ang fist bump namin ni Matthew. Ever since kasi, hindi ko inisip na trademark namin iyon. Instead, I thought of it as a comfort and cheer from Matthew. Hindi ko naman akalain na bini-big deal ng lahat yon. And dahil sa nangyari kanina, hindi nanaman mawala sa isip ko lahat ng memories namin ni Matthew together.
"Are you okay?" Napatingin naman ako kay Matthew and I just smiled.
"Hindi mo ginagalaw ang food mo. Is there something wrong? Ayaw mo ba ng--"
Uhm, hindi. May naalala lang." Sabi ko and then took a bite. Napatingin ulit ako sa kanya kasi he won't stop staring at me.
"Kasama mo na ako, iniisip mo pa rin ako?" I jokingly punched Matthew and I couldn't help but to laugh.
"Ba't ang feelingero mo na?" Pagbibiro ko and naggesture lang siya ng, 'Well.'. With that, hindi ko nanaman namalayan na nag-eenjoy nanaman ako kasama si Matthew.
~
"Thank you nga pala sa pa-dinner." He said and I just nodded.
"Anyways, see you tomorrow." Pagpapaalam niya and nagulat ako when he hugged me.... again. It happened again. Magkaibang araw pero yung feeling, parehas na parehas. I feel like I'm in cloud 9.
Pumasok na si Matthew sa loob ng car niya and drove away pero ako, napako ata yung mga paa ko sa lupa. Hindi ako makagalaw.
Ganon ba talaga si Matthew sa friends niya kahit babae?
Sweet ba talaga si Matthew?
"Gabby, pasok na." Napatingin naman ako sa nagsalita and it's Yaya Bing. I sighed and umupo sa may stairs ng gate namin. Tinabihan naman niya ako.
"Yaya, do you think tama pa to?" I asked her and mukha namang naguluhan siya.
"What I mean is, nagpaligaw ako kay Matt but I can't stop seeing Matthew." Sabi ko sa kanya and tumingin naman siya ng nakakaloko pero mabilis nagchange ang mood niya. Dahil na rin siguro kita niyang nahihirapan ako.
"Alam mo, parehas ang sagot ko. Tama na may mali. Wala naman kasing masama kung magiging magkaibigan kayo ni Matthew. Wala rin namang masama kung magpapaligaw ka sa iba habang nakipagkaibigan ka kay Matthew. Ang mali lang, pinipilit mo yung sarili mo sa mga bagay na sa tingin mo'y tama kahit iba naman ang sinisigaw ng puso mo." Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Yaya Bing. Tumingin ako sa langit and I sighed.
"Hindi rin kasi natin masasabi, Yaya. Baka tama kasi talaga itong desisyon ko pero hindi ko lang makita nang ayos dahil nakatingin ako sa iba." Sabi ko and tumayo. Nabalot kami ng katahimikan. Mukhang parehas naming iniisip kung anong mas matimbang sa mga sinabi namin pero I have to deal this on my own. Ayako namang mandamay pa ng ibang tao.
YOU ARE READING
The Guy Who Doesn't Like Me
Fanfic"I've always wanted him to look at me. But he doesn't want to." - Gabriella Amor "I can't stand her." - Matthew Sebastian