Sixteen - Textmates

170 7 3
                                    

Hey, you! I just wanna dedicate this chapter to @mariey88 'coz she's such a sweetheart. I really appreciate your comments and votes. I'm so glad that my story has become a part of your life during lockdowns. I hope you're okay and everyone who's reading my story.


Enjoy reading! xoxo





Gabriella


Nagtext ako kay Matt na wag muna niya akong sunduin dahil nandito si Mommy and she told me na siya na raw ang maghahantid sakin. The truth is, kinulit ko talaga si Mommy na isabay na ako before siya pumunta sa office kasi nandon na rin si Daddy. Why? Simply because hindi ko kayang harapin muna ulit first thing in the morning si Matt. Yesterday has been so great, he's been so sweet and his surprise picnic dinner went too well. When I say too well, that applies for him. Hindi niya naman kailangan na mangsurprise every now and then. Saka 2 days kaming off school kasi dahil sa surprise na yon. Ni hindi niya rin muna ako cinonsult kung okay lang ba sakin yung nangyari. Ang alam niya lang is okay lang sa kanya yon and yun ang masusunod. Hindi ko rin maiwasang hindi mainis kay Lizelle for tolerating her cousin. Oo, boto siya sa aming dalawa pero gusto ko rin naman makahinga sa kanila and I have the right to say 'no' to everything but I feel like kapag sinabi na nila na ganon ang mangyayari, ganon na talaga dapat ang mangyari. Hindi nila tinatanong yung mga tao sa paligid nila kung okay lang ba talaga.


"Sweetheart let's go na." Sabi ni Mommy and sumakay na kami sa car.



Tahimik lang ako sa daan which is very unusual kaya naman biglang nagsalita si Mommy. She knows me well.


"Are you okay?" She keeps on glancing at me and I just sighed.


"Pagod lang po siguro." Sabi ko sa kanya and she just nodded. Akala ko mababalot na ulit kami ng katahimikan but I was wrong. Mukhang tama talaga sila. Ramdam ng parents especially ng mommy mo kung may nangyayaring kakaiba sayo.


"By the way, kamusta ang trip to Tagaytay?" I knew she would ask me about this. Well, normal lang naman na magtanong ng ganyan ang parents.


"Well, it was okay." Simple kong sabi. Nag-enjoy naman talaga ako. Masarap din naman yung may time off ka from school. Sadyang hindi lang ako totally agree sa naging set-up nila. Weekdays kasi and naka-absent pa ako. 1 1/2 month na nga lang kami magkakasama-sama then ganon pa ginawa nila.


"Just okay? You were with Matt and Jannelle diba and yung cousin ni Matt? Hindi ba kayo nag-enjoy for you to say na it was just okay?" I sighed.


"Long story, Mommy. Maybe I'll tell you later. Malapit na rin naman sa school e." Sabi ko and then nagpark muna siya saglit.


"Laters, Mom." And then bumeso ako the wait her to drive away. 


Habang naglalakad papuntang room, bigla kong naalala si Matthew. Kamusta na kaya siya especially noong mga time na absent ako? May nahanap ba agad siyang girlfriend? Knowing Matthew, he won't last 2 weeks without a girlfriend. E 2 weeks na silang break ni Michelle so prolly anytime by now, may bago nanaman siya. Eto nanaman yung feeling na parang nasasaktan ako. Before, wala akong pakielam kahit may girlfriend siya simply because hindi naman nagtatagal. Si Michelle na ang pinakamatagal niya. It's just that, everything's different now. I mean, may bond na kaming dalawa ngayon kaya it will get more difficult for me to face reality with him nanaman.

The Guy Who Doesn't Like MeWhere stories live. Discover now