Hello, mariey88 once again, thank you so much for your really uplifting comments and unending support for my story. I really appreciate and may God bless you.
Enjoy reading! xoxo
~
Gabriella
"Okay na?" Nakwento ko na kasi kay Matthew lahat-lahat. From the very beginning up until the end. Hanggang ngayon, nakatingin siya sakin and di ko alam ba't di siya nagsasalita.
"Hoy, okay ka na? Tapos na kwento ko." Sabi ko sa kanya. Gusto ko na rin kasi pumasok sa bahay. Medyo nakakapagod din kasi plus pagod din si Matthew and magddrive pa siya pauwi.
"Okay ka lang ba? Why are you staring at me like that?" Sabi ko sa kanya saka lang niya inalis ang tingin sakin and ewan ko ba't parang di siya mapakali.
"So you liked me ever since?" Sabi niya sakin and hindi na naman siguro ako mahihiya na mag-agree kasi nakwento ko na sa kanya ang lahat-lahat so I nodded.
"Yah. Funny, isn't it? Recently lang--"
"It's no fun." Seryosong sabi sakin ni Matthew. Hindi ko naman alam ang mga pwede kong sabihin kanya. He seems... mad.
"Gabriella, I think you should get in na. May pupuntahan pa nga pala ako." Sabi niya sakin and siya na rin ang nagdoorbell for me. Without a word, he got inside his car pero umalis lang siya noong bumukas na yung gate namin. What's up with him?
"Gabby, pasok na." Sabi ni Yaya Bing and saka lang ako pumasok. Hinintay ko na mawala sa paningin ko yung car ni Matthew.
"Okay ka lang ba?" She asked and napa-iling na lang ako kasi naguluhan din ako sa nangyari. Parang kanina lang, kwentuhan kami and now, he suddenly act cold na para bang may nagawa akong kasalanan.
The next day...
Preparation na para sa pageant and nandito na ako sa backstage, waiting for Matthew but until now wala pa siya. He's never late but now, he's making me wait. Mabilis lang naman ayusan ang mga lalaki but may calltime din kasi kami dahil may final practice kami just to wrap up everything. I even texted him but he's not replying. I called him, he's not answering. Ano bang nangyayari kay Matthew?
To: Chu
Wru? Ikaw na lang hinihintay
Makalipas ang 5 mins, wala pa rin siya. Patapos na akong ayusan pero siya, wala pa rin.
"Nasan na raw si Matthew, siz?" Kikay asked kasi aayusan na siya and 20 mins na lang magsstart na kami sa final rehearsal. Hindi naman kami makakapagstart nang wala si Matthew.
"He's not answering his--"
"Matthew, oh my gosh!" Napatingin ako sa sinigawan ni Kikay and saw Matthew wearing a robe. Nakatingin lang ako sa kanya hoping na tingnan niya ako para naman makapag-usap kami but he didn't. Dere-deretso siya sa isa pang high chair na inuupuan namin para ayusan. Ni hindi manlang niya ako ginreet. Nagkatinginan naman kami ni Kikay but I just shrugged kasi I don't know what's happening either.
YOU ARE READING
The Guy Who Doesn't Like Me
Fiksi Penggemar"I've always wanted him to look at me. But he doesn't want to." - Gabriella Amor "I can't stand her." - Matthew Sebastian