Chapter 11 - The substitute fiancee

491 9 2
                                    

Dedicated to my bestfriend, miss you :*

*****************

FIONA’S POV

♩♪♫♬ Just close your eyes. The sun is going down

You'll be alright. No one can hurt you now

Come morning light. You and I'll be safe and sound♩♪♫♬

Naputol ang tawanan namin ng barkada ng tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakitang tumatawag si Daddy.

Huh? Bakit kaya? Nakapagpaalam naman ako ng maayos kanina na dito ako kila Natasha matutulog eh.

Dali dali kong sinagot ang tawag.

 “Hello Fiona”

“Yes Dad?”

“Nandyan ka ba sa bahay ng kaibigan mo ngayon?”

“Opo..nandito po ako kila Natasha..”

“Umuwi ka na at may kailangan tayong pag-usapan.”

“Ha? Ngayon po?”

“Yes. Pupunta ang mga Fuerte dito bahay at may mahalaga tayong pag-uusapan.”

“But Dad!!”

“No buts Fiona. I need you here NOW.”

“Okay po, sige po. Pauwi na po ako dyan.”

Haaay. Gusto ko sanang makipagbonding pa sa Angels pero ano pa nga ba ang magagawa ko? :sigh:

“Anyareh Fiona?” tanong ni Natasha sa akin.

“Uhm. Pinauuwi na ako ni Dad eh. Sorry Angels. I want to stay pero may emergency sa bahay.”

“Aww. Okay :( Akala ko pa naman, makukumpleto tayo ngayon.” --- Chesca

“Sorry talaga Angels. Sige, I have to go.”

Lumabas na ako ng pintuan at tuloy tuloy na akong lumabas. Pumara ako ng taxi paglabas, hindi na ako nagpasundo pa pauwi dahil kaya ko naman at malapit lang naman ang bahay namin mula dito kila Natasha.

Pagdating sa bahay, nasalubong ko ang mga katulong na hindi magkandandatuto sa pagparoo’t parito sa pag-aayos at paghahanda sa pagdating ng mga Fuerte. Kaibigan ng pamilya namin ang mga Fuerte at sila din ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Daddy.

Kainis. Parang royal family naman ang dadating. Ugh. Napakasipsip ni Daddy.

“Manang, nasaan po si Daddy?” tanong ko sa katulong namin na dumaan sa harapan ko na may dala dalang flower vase.

“Ai naku Ma’am nandun po se Ser sa kosina, tinotolongan po yung eba na maghanda ng mga pagkaen sa lamisa”

Dumiretso na ako sa kusina. Nakita kong abala si Daddy.

“Dad…” ang tawag ko.

“Oh, nandito ka na pala. Pumanhik ka na sa taas at mag-ayos ka, wear something formal. Pagkatapos, ipapatawag na lang kita sa mga katulong. Dali na. Ano pang hinihintay mo? Any moment, dadating na sila.”

“Yes, Dad.” Ang turan ko na lamang at di na nagtanong pa.

Pumanhik na ako na aking kwarto. Napatingin ako sa picture frame na nasa maliit na lamesa katabi ng kama ko. Ang huling kuha naming dalawa ni Ate Francene..

Angels' StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon