Dedicated kay sis Nikha :) Thanks for reading!
*************
Emerald’s POV
“Ay anak ng tipaklong naman!!! Hoy! Tumingin ka naman sa dinadaanan mong sira ulo ka! Binangga mo na ako oh! Ayos ka din dude ah!”
Tinayo ko ang mountain bike ko at pinagpag ang siko ko na punong puno ng alikabok.
Langya naman oh, nagkagasgas pa ata ako sa siko at tuhod. Bwisit na driver ng kotseng pula na ‘to. Akala ata pagmamay ari nya yung daan dito sa subdivision.
Nakasakay kasi ako sa mountain bike ko at papasok ng school. Oo, eto gamit ko. Bakit ba? Astig eh. Kahit na pinapagalitan ako ng erpat at ermat ko. Hehe
Bigla namang huminto yung kotseng pula at umatras. Tumapat ito sa akin at biglang binukas yung windshield. Sumungaw ang isang lalaking parang familiar sakin. Hmmm. San ko na nga ba nakita to?
Habang pinagmamasdan ko sya. Di ko alam kung bakit biglang kumabog yung dibdib ko. Tss. Siguro sa pagkakabagsak ko to.
“Good Morning Miss Beautiful! Anong problema mo?”
“Gagu! Miss Beautiful ka dyan mas gwapo pa nga ako sayo. Atsaka anong Good sa Morning ko eh binangga mo ako, tatanga tanga ka ba?”
“Hep, hep, hep! Hinay hinay lang. Ang puso mo, baka tumalon sa puso ko ;) ” sabay kindat pa nito.
Aba. Loko to ah! Kung akala nya madadaan nya ako sa pambobola nya, nagkakamali sya. Kilala ko na mga hilatsa ng pagmumukha ng mga ganyan. Psh.
“Andami mong satsat, Simpleng sorry lang sana okay na eh.” Bwisit talaga, oo. Psh. Ang ganda ganda ng salubong sakin ng umaga :insert sarcasm here:
“Sorry?”
“Ulit ulit? Linisin mo nga yang tenga mo. Tingnan mo tong bike ko. Nasanggi ng kotse mo. Akala mo kasi pagmamay ari mo itong daan kaya makaharurot ka dyan wagas.”
“Alam mo, Miss Beautiful, hindi ko sinasabing pag mamay ari ko itong daan atsaka isa pa, daanan ito ng mga sasakyan, ikaw ata namali ng lane kasi ayun sa gilid yung daanan ng mga bike.”
Well. Uhm. Oo, hindi ako dumaan dun, paano ba naman kasi hindi ako masyadong makapidal dun. Nasisikipan ako tsaka nagmamadali ako kasi malelate na ako papasok. Pero kahit na! Sya pa din may kasalanan!
“Unang una, bingi ka lang ba talaga o tanga dahil di mo maintindihan ang sinabi ko kaninang wag ko akong tatawaging Miss Beautiful. Ulul! Atsaka wag mong ibaling sa akin ang sisi kasi ako nga itong naagrabyado mo oh. Muntik ka ng makasagasa. Alam mo, lumayas ka na nga sa harapan ko. Nevermind na, kahit na magsorry ka, pinainit mo na ang ulo ko. Tsupi! Malelate na ako sa school. Bwisit naman talaga,oo! Wala na! Late na ako sa first class! Psh!”
“Woah! Easy lang Miss Beau--” sinamaan ko naman sya ng tingin. Nang aasar pa talaga ‘tong gunggong na to ah. Bigla naman itong sumenyas na parang sinizipper ang bibig pero tatawa tawa naman. “Eto na, aalis na oh. Init init ng ulo, ang ganda mo pa naman, sayang crush pa naman kita ;)”
Ano daw? Aba’t! Pinapag init talaga ata nito bungo ko ah.
Inaambaan ko ito ng suntok pero bigla naman nitong pinaharurot ang sasakyan. Sabay halakhak pa nito ng malakas at nilabas pa ang kamay sa bintana ng kotse at sumigaw ng “Bye…..Miss Beautifuuuuul!!!!! See yooouuuu laaaaaater!!!”
Dafuq!!
**********
~SCHOOL~
“Hey Emerald! Why you didn’t attend the first class kanina huh?” – Chesca
BINABASA MO ANG
Angels' Story
Dla nastolatkówPitong magkakaibigan. Samahan natin sila sa kabaliwan ng kanilang highschool life at kung makakatagpo ba sila ng kanilang pag-ibig? Seven times na kabaliwan at kilig!! :”> A story of love and friendship! :))