Chapter 15 - Victory Party

442 9 4
                                    

Natasha’s POV

Alam mo yung feeling na kating kati na yung kamay mo at gusto mong bigyan ng mag asawang sampal yung mukha ng malanding babae?

Well, kung nafeel mo na yon. Ganun na ganun ang nararamdaman ko ngayon kay Czarina na parang linta kung kumapit kay Dash. >.<

Czarina-linta. Oh. Magkarhyme pa? Bagay na bagay talaga.

“Hey, hey guys! Kani---Oops.. What’s happening here? Mukhang mga serious ang aura ng mga tao dito ah.”

Napalingon kami lahat sa biglang dumating. It’s Calvin.

“Psh. Paki mo?” sagot naman ni Dash.

Oh. Marunong pala syang magreact, pero bakit ba hanggang ngayon hindi pa nya inaalis yung pagkakapit sa kanya nung linta na yun! Enjoy na enjoy naman sya!

“Woah! Chill man! Ang dapat satin ngayon masaya at nag eenjoy dahil nanalo tayo, hindi yung ganyan na para kang pinagsakluban ng langit at lupa! Hahaha!” bigla namang napatingin si Calvin kay Zam. “O’ Zam.” Pag-aacknowledge nito kay Zam.Napatingin naman ito kay Dash at biglang napangisi pagkatapos ay binalik ang tingin sa akin at sa bestfriend ko. “Mukhang kahit talo kayo pare, panalo ka pa din ah.” Binalik ulit nito ang tingin kay Dash sabay ngiti nito ng nakakaloko at nagpipigil ng tawa.

Huh?? Ano daw??? Anong ibig sabihin ng Calvin na to. Di ko getz. Hai naku, baliw talaga to! Manang mana talaga sa bestfriend nyang baliw din.

Tiningnan ko si Zam. Ngumiti lang naman ito kay Calvin. Medyo di naman kasi agad nakikipagbiruan itong bestfriend ko sa iba kapag di nya talaga kaclose eh.

Bigla namang bumaling sa akin si Zam.

“Ysabel, tara sa bahay mamaya, sigurado miss ka na nila Mama.”

“Oo nga no! Naku, miss na miss ko na talaga si Tita Lyn, lalong lalo na yung carbonara nya!”

“Haha, ang takaw mo talaga..pagkain una mong naisip, kaya tumataba yang pisngi mo eh!” sabay pisil nito sa pisngi ko.

“Ouch naman! Parang hin---”

“EHEM.”

Napatigil naman ako sa pagsasalita nung marinig ko ang tikhim ni…

Sino nga ba yun?

:lunok:

Si Dash. Parang nag-aapoy ang mga mata.

Problema nito? Ano yun? Nag-iinit sya dyan sa katabi nya? Eew please.

“May victory party kami mamaya, kaya sakin sasama ang GIRLFRIEND ko.” ang matalim at madiin na sabi ni Dash kay Zam.

“But baby! Hayaan na lang natin syang sumama kay Zam. Parang they have a lot of catching up to do diba Natasha?” ang sabi ni Czarina sabay smirk sa akin. “And besides, sasama na lang kami ng squad ko sa party nyo. Hihi.” Ang malanding sabi nito sabay lean pa sa shoulders ni Dash.

No! No way! Never kong hahayaan itong linta na ito na matupad ang plano nya! Nevah!

Nagsimula akong maglakad dahilan upang maalis ang pagkakaakbay ni Zam sa akin. Pumagitna ako kila Dash at Czarina. Ngumiti ako at pasimpleng siniko ang linta upang makawala sa pagkakapit kay Dash.

“Ay nako hindi. Syempre, sasama ako dito sa BOYFRIEND ko no.” ang madiin kong sabi sabay irap kay Czarina at kumapit ako sa braso ni Dash. Inakbayan naman nya ako.

Angels' StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon