Chapter 23 - Don't mess up with...

273 4 1
                                    

Emerald’s POV

Isang nagniningning na Natasha ang bumungad samin sa classroom. Nakaupo ito sa upuan nya sa may bandang likuran, nakapangalumbaba at nakatingin sa labas ng bintana at kumikislap ang mga mata. Nakangiti pa ito at may moment pa na bigla na lang magbablush ito na parang may naisip at biglang kinilig. Ano bang nakain nito at kakaibang aura ngayon ang bumabalot dito?

Nagkatinginan kami ng Angels at lahat kami ay kumunot ang mga noo. Humarang ako sa harapan nya at sinipa ang ilalim ng upuan nito.

“Huy babae! Anong nangyayari sayo?”

“Oh Hi Emerald!” ang ngiting ngiting sabi naman nito.

Naweweirduhan na talaga ako dito sa babaeng to ha. Usually, maiinis to sakin at bubulyawan ako kapag sinisipa ko yung desk nya kapag tinatawag ko sya pero ngayon aba nginitian pa ako.

“Oh my gosh! I think I know the reason na! :O” Napatingin naman kami lahat kay Chesca ng magsalita ito.

“What??!” ang sabay sabay naming sabi.

“Huhuhu. Nabaliw na ang friend natin kasi hiniwalayan na sya ni Dash! And she can’t accept it that’s why bumigay na sya. Poor Natasha, don’t worry, we’re here for you!! T^T”

Napangiwi naman ako sa madramang si Chesca habang nagpupunas pa ito ng ‘luha’ nya.

Sus. Ano naman kung hiniwalayan sya nung lalaking yon? Problema ba yon? Ang oOA lang talaga ng mga babaeng to. Magpapakabaliw ng dahil lang sa lalaki? Matutulog na lang ako at kakain. Mas masaya pa yun.

Akma silang lalapit kay Natasha upang yakapin at icomfort ito pero nagulat kami ng bigla nitong itinaas ang kamay nya sa harap namin na parang nagsasabi ng STOP.

“Hep hep hep. Teka, ano ba yang sinasabi nyo? Sinong nababaliw?”

“IKAW!!” sabi namin at lahat kami ay tinuro sya.

“Ha?? Ako??! Hindi noh! Saan nyo naman napulot yang ideyang yan?!”

Ganoon ba talaga kapag nababaliw? Dinedeny na baliw sya?

“Natasha, wag ka ng magkaila. Kahit na baliw ka naman, nandito lang kami para sayo, tutulungan ka namin. Marami akong kakilala sa mga mental institution. Maaalagaan ka nilang mabuti” --- Sabrina

“Yah. Tsaka lagi ka naming dadalawin don’t cha worry girl” --- Bianca

“Oo nga…hind--”

“HINDI NGA SABI AKO BALIW!”

Napaatras ako at napatingin naman lahat ang buong klase namin sa nagwawalang si Natasha. Mas aakalain mong baliw ito ngayon  dahil ang itsura nya eh umuusok na ang ilong at namumula ang mukha sa inis. Pfft.

Kfine.” Nakairap pa na sabi ni Chesca.

“So tell us kasi kung bakit ganyan yang itsura mo?”  --- Sidney

“What? Anong mali sa itsura ko? As far as I know, kumpleto pa naman ang body parts ko. At maganda pa din ako. Hihi.” --- Natasha

“Ha ha. Funny. Well, bukod sa ang aga aga mong pumasok ngayon, which is soooo himala. And you’re really look like a lunatic pa kanina na nakatulala.” --- Chesca

“Plus. There is something in you na di ko mapinpoint eh. Hmmm. May glow yung itsura mo at blooming ka. Umamin ka nga. Nagkabalikan na kayo ni Dash no?” --- Fiona

Angels' StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon