Natasha’s POV
“Alam nyo ba? Kaya daw tumandang dalaga yung professor natin na si Ms. Ortiz kasi hinihintay nya yung first love nya na naging estudyante din dito.” Ang mahinang sabi ni Bianca sa amin habang sumesenyas na lumapit sa kanya.
Dahil sa interesanteng kwento nito. Napukaw nya lahat ang atensyon namin mula sa pagbabasa ng libro. Nandito kasi kami ngayon sa library dahil may pinapabasa sa amin ang prof namin na si Ms Ortiz (aka Ms Minchin dahil sa sobrang sungit nito xD) at kailangan naming gawan ng reaction paper.
Nilapit namin ang mukha namin sa kanya para marinig pang mabuti ang sasabihin nya. Mukha tuloy kaming may pulong dito.
“Ows??! Saan mo na naman nasagap yan? Hindi ba bawal yun?” ang tanong agad niEmerald
“Narinig ko lang sa mga prof na nag-uusap. May naging karelasyon daw si Ms. Ortiz nung medyo bago pa sya dito na nagtuturo. Eh hindi ba bawal yung student-teacher relationship, so nagbreak sila. Pero pinangako nung lalaki na babalikan sya nito kapag nasa wastong edad na ito at pwede na talaga sila. But sad to say, hindi na sya binalikan nung guy at may asawa na ito ngayon.” Ang kwento pa ni Bianca habang pailing iling.
“Ang saklap naman ng lovelife nya. Kaya siguro masungit yun. Bitter! Hahahaha. Sabi ko sa inyo walang kwenta yang mga lalaking yan eh.” Ang tatawa tawa pang sabi ni Emerald.
Kahit kelan talaga tong tomboy na to, napakasama ng ugali. Hmp. Lagot ka sakin.
Palihim akong natatawa habang naiisip ang blind date nila ni Calvin. Kakasabwatan ko din ang Angels dito para maging successful ang plano. Bwahahaha.
“Talagang pinagtawanan mo pa Emerald huh? Ang sama mo. Malungkot pala ang buhay ni Ms Ortiz. Kaya pala sya ganun. Mahal na mahal siguro nya yung lalaki. Kawawa naman” ang malungkot na sabi ni Sabrina
“Sige, sabihin mong naaawa ka sa kanya kapag pinapagalitan at pinapahiya ka nya kapag di ka nakakasagot sa recitation ha?” ang pang asar pa ni Emerald.
“Tse! Pero hindi ko pa rin maimagine na may ganun, yung student-teacher relationship. Oh my, meron kaya dito sa atin nun?” --- Sabrina
Awtomatikong napatingin ako kay Fiona sa tabi ko. Napansin ko ding biglang naging stiff ito.
“Hmmm. I think meron! There’s plenty of pretty young teachers din dito eh. For sure, may mga dumidiskarteng mga makakapal ang mukhang guy students.” Singit ni Chesca
“Or maybe…isang prof nating lalaki naman ang may karelasyon na babaeng estudyante dito” ang nakangising sabi naman ni Bianca
Naubo bigla si Fiona sa sinabi ni Bianx.
“Ayos ka lang ba Fiona?” ang tanong ko dito sabay hagod sa likod nya.
“Ah yeah, I’m okay.” Ang mahinang sabi nito at nagpatuloy na ito ulit sa pagbabasa. Pero I doubt it kung may pumapasok nga sa utak nya sa mga binabasa nya.
“Ano sa tingin mo Fiona?” ang nakangiting sabi ni Bianca.
Napatingin ako ng mabuti kay Bianca. Alam kaya nya?
Ah. Baka nagkataon lang na tinatanong nya si Fiona dahil sya ang pinakaobservant sa amin.
“Uhm. I don’t know.” Ang matipid na sabi ni Fiona. Hindi pa rin ito nakatingin sa amin.
Nuon ko pa balak na kausapin si Fiona tungkol kay Sir Francis pero di lang ako nakakakuha ng tyempo na kami lang dalawa. Ayaw ko naman na pilitin syang paaminin kaharap ang Angels. Hindi nga nya ito inaamin saming lahat, kung hindi ko pa nadiskubre. Gusto ko lang malaman kung bakit nya ito inililihim sa amin.
BINABASA MO ANG
Angels' Story
Teen FictionPitong magkakaibigan. Samahan natin sila sa kabaliwan ng kanilang highschool life at kung makakatagpo ba sila ng kanilang pag-ibig? Seven times na kabaliwan at kilig!! :”> A story of love and friendship! :))